Pusher timbog

    522
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY —- Nahulog sa bitag ng mga tauhan ng City Anti-Illegal Drug Special Operation Team (CAIDSOT) ang isang drug pusher, samantalang nakatakas naman ang kasamahan nito ng paputukan ng baril ang mga pulis na  nagsasagawa ng buy bust operation sa Katipunan St., Barangay East Bajac-Bajac sa lungsod na ito.

    Kinilala ng pulisya  ang suspek na si Gerry Gestiada, 18-anyos at residente ng Dumlao Beach, Barangay Upper Kalaklan. Ang supek ay  nahuli ng undercover agent ng CAIDSOT na nagbebenta ng plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P2,500.

    Aktong dadakmain na ng pulis ang isa pang suspek na si Ejay Collantes ng magbunot ito ng baril at saka pinaputukan ang mga pulis at sa palitan ng putok ay nakatakas ang suspek at ngayon pinaghahanap ng mga awtoridad. Ang suspek  na si Gestiada ay ipinagharap ng kasong paglabag sa RA 9165.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here