Pusher, 3 pa huli sa drug-bust

    374
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales —Nahulog sa bitag ng mga tauhan ng Zambales PNP ang isang drug pusher at ang tatlong parokyano nito sa isinagawang drug operation ng pulisya sa Barangay Calapacuan sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

    Kinilala ni Senior Inspector Jelson Dayupay, hepe ng Subic Police ang suspek na pusher na si Joseph Joven Azurin, 30, residente ng Purok 3-C, Sitio Tahimik, Barangay Calapacuan ng nasabing bayan.

    Ang suspek ay dinakip matapos na bentahan ng isang plastic sachet ng shabu ang isang police poseur buyer sa halagang P300.00.

    Dinakip din ng pulisya ang mga suspek na sina William Santos, 33, Ben Bautista, 40, at Jun Ramos, 30, pawang mga residente  ng Tabacuhan, Barangay Sta Rita, Olongapo City sa aktong nagpo-pot session sa bahay ni Azurin.

    Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu at ibat-ibang drug paraphernalia at pera.

    Ang mga suspek ay naka detine sa Subic PNP detention cell at ipinagharap na sa kasong paglabag sa itinatadhana ng Republic Act 9165.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here