Pusher, 3 iba pa, huli sa drug ops

    343
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales —Nahulog sa bitag ng mga tauhan ng Subic PNP ang isang drug pusher, samantalang huli naman ang tatlong katao na nagpo-pot session sa isinagawang drug operation sa Barangay Calapacuan sa bayang ito.

    Sa ulat ni Chief Inspector Oriano Mina, hepe ng Subic PNP, ang suspek na si Alex Caigoy, 40, residente ng Purok 4, Barangay San Isidro, ay na huli ng team na pinamunuan ni Inspector Carlito Ballon, Jr., matapos na magbenta ng isang plastic sachet ng shabu sa isang police poseur buyer sa halagang P300.

    Narekober pa sa pag-iingat ng suspek ang marked money at isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500.

    Naaktuhan naman ng pulisya na sumisinghot ng shabu ang mga suspek na sina Joy Cabase, 36, ng Barangay Asinan Proper at Carol Bredol, 40, ng Sta Elena, Barangay Calapacuan pawang mga taga Subic; at Alvin Arabe, 21, Hanjin employee at residente ng Sitio Sibul, Barangay San Agustin, Castillejos, Zambales.

    Ang mga suspek ay detinido sa Subic PNP detention at ipinagharap na sa kasong paglabag sa RA 9165.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here