Purok lider huli sa baril

    401
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY- Kalaboso ang sinapit ng isang purok lider matapos itong mahulihan ng di lisensyadong baril ng mga tauhan ng Police Station 1 ng Olongapo City PNP.

    Kinilala ng pulisya ang suspek na si Antonio Farrales, 62, residente ng 23rd St., Barangay East Tapinac. Sa imbestigasyon ng pulisya, pinaalis ng suspek ang sidewalk vendor na si Elizabeth Belandez, 58, kasabay ng pagpapakita nito ng baril na nakasukbit sa kanyang baywang upang takutin ang vendor.

    Dahil dito nagsumbong si Belandez sa pulisya at nakuha sa pagiingat ng suspek ang isang .22 revolver na walang lisensya at Permit to Carry Firearm Outside Residence (PTCFOR).

    Ang suspek ay detinido sa PoliceStation 1 at ipinagharap na sa kasong paglabag sa RA 8294 o Illegal Possession of Firearm and Ammunition.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here