Pulis mintis

    519
    0
    SHARE

    Sa pangkalahatan, payapa ang Bulacan, ayon sa pulisya. “Bumaba sa 14,155 ang bilang ng krimen na naitala sa lalawigan noong 2011, kumpara sa naitalang 20,202 noong 2010,” ani Senior Supt. Fernando Mendez, provincial police director ng nasabing lalawigan.   

    “Para naman kay Gob. Wilhelmino Alvarado, dapat magpulong ang Provincial Peace and Order Council ng Bulacan ng apat na beses sa loob ng isang taon upang matugunan ang lumalalang insidente ng kriminalidad.”

    Kasabay din na ulat noong Miyerkules: “Dead on the spot ang isang alahera matapos siyang barilin sa kanang sintido ng isang hindi pa nakikilalang suspek Lunes ng gabi (Marso 5) sa Biniang 1st, Bocaue, Bulacan.”

    Basta istatistikang galing sa pulis laging nalilihis. Sabagay, kelan pa ba sila nagpakita ng istatistika na bumaba ang krimen sa isang lugar?

    q q q

    Sa katunayan, sa Lungsod ng Angeles ay hindi pa nareresolba ang mga “high profile crimes” na halos hindi na mabilang sa panunungkulan ng dating alkalde na si Blueboy Nepomuceno.

    Ilan sa mga ito ay ang pagpatay kay Sisig Queen na si Aling Lucing at sa kapatid ni Apl. De Ap. ng Black Eyed Peas. Kasama narin dito ang pagpaslang sa ilang mga Australyano at Amerikano na naninirahan sa lungsod.

    Kamakailan lamang ay pinatay ang isang tinatawag na “Tisoy” sa Barangay San Nicolas. Ang biktima ay matagal ng asset umano ang mga pulis.

    Hinablot naman ng dalawang naka-motorsiklo ang bag ng isang Koreana na nag-aabang ng sasakyan sa harap ng Starbucks Excelsior.

    Dalawang beses ng na-hold up ang LBC sa harap din halos ng Starbucks Excelsior sa kahabaan ng Mc Arthur highway kung saan libo-libong pera ang natangay na salapi.

    Hindi pa kasama dito ang ibang mga pawnshop na nilolooban at hinohold up din at lubusang nakakatakas ang mga salarin. 

    Hindi natin minamaliit ang kakayahan ng kapulisan sa lungsod subalit hanggang ngayon ay wala paring malinaw sa kinahinatnan ng mga kasong ito.

    Tanong ng madaming negosyante at mga residente, may chief of police ba ang Angeles?

    q q q

    Isang empleyado naman ng Angeles City Hall ang tinutukan umano ng .45 caliber pistola ng mga pulis sa Mabiga, Mabalacat ilang linggo na ang nakakaraan.

    Kasama ng biktima ang kanyang asawa at anak ng bigla na lamang pahintuin ang sinasakyang motorsiklo at biglang tinutukan siya sa ulo ng baril ng mga pulis.

    Subalit ng magpakilala ang biktima ay bigla na lamang umalis ang mga pulis. Hindi naman makapagsalita ang pamilya ng biktima dahil sa sobrang pagkatakot at pagkabigla.

    May chief of police din ba ang Mabalacat?

    q q q

    Sa pagdami ng mga kaso ng pagpatay ay nangangahulugan na nagiging madali na lamang ang bumili o makakuha ng baril.

    At dahil pangamba, dumadami din ang mga taong bumibili ng baril upang ma-proteksyonan  naman nila ang kanilang sarili o maging ang buong pamilya.  

    q q q

    Maliban sa pag-imbestiga sa mga patayan, involve narin ang mga pulis ibat ibang mga krimen. (Bulong ng aking konsensya: Aguilar, matagal na!)

    Sa katunayan, nahaharap sa kasong pagpatay, iligal na pag-aresto at pagpapakulong, paniniil sa karapatang pantao at paglabag sa election code sina Zambales Police Chief Supt. Francisco de Belen Santiago Jr., ang kanyang pinsan na si Provincial Elections Supervisor Elaiza Sabile-David, Deputy Provincial Police Head Supt. Demosthenes Felix, dating Botolan Police Head Inspector Michael Chavez, Police Intelligence Head Inspector Preston Bagangan, walong iba pang mga pulis.

    Kung puspusan ang ginagawang kampanya ng administrasyong PNoy laban sa korapsyon, panahon na rin na sampolan ang mga pulis ng parusa kagaya ng kay Atty. Aguirre.

    Yun nga lang ay dapat isang buwan silang “binubunganga” ni Miriam sa isang silid na sila sila lang ang nakakarinig.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here