Pulis Gapo, nagpaanak ng ginang

    688
    0
    SHARE
    OLONGAPO CITY–Hindi lamamg pakikipaglaban sa mga masasamang elemento sa lipunan ang trabaho ng isang pulis, bagkus tulong serbisyo ang pinagkakaloob nito sa kanyang kababayan sa oras ng pangangailangan.

    Gaya na lamang ng ginawang pagtulong ni PO1 Maddie Lyne Ilagan, isang registered nurse na nakatalaga sa Police Station 6 ng Olongapo City Police Office nang kanyang paanakin si ginang Roselyn Flores sa kanyang bahay sa Barangay Barretto. Ayon sa report tumawag ng tulong ang pamilya ni Flores sa barangay health center ng Barretto ngunit hindi kaagad nakarating ang mga barangay health worker sa oras na iyon. Sa halip, barangay rescue ang pumunta sa tahanan ng nasabing ginang.

    Naka-duty noon si PO1 Ilagan sa Station 6 nang malamans manganganak na ang ginang at hindi na ito aabot pa sa hospital kung kaya nag-volunteer ang pulis na tulungan si Flores sa panganganak.

    Naging matagumpay naman ang panganganak ni Flores at isinilang nito ang kanyang ikatlong anak na malusog na babae.

    Nakarating naman ang mga barangay health worker bago pa man natapos ang pagsilang ng sanggol upang antabayanan ang ginang at ang kanyang sanggol.

    Tuwa at galak ang naramdaman ng buong kapulisan sa pangunguna ni acting city director Srnior Supt. Melchor Baliuag Cabalza III sa ipanakitang malasakit ni PO1 Ilagan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here