Puede pa nga ba o talagang hindi na?

    638
    0
    SHARE
    Kung talagang malinaw na nasasaad
    Sa Revised Penal Code o Saligang Batas
    Na ang “ex-convict” ay bawal nang humawak
    Ng anumang “public office,” di na dapat

    Nakikisali ang kagaya ni Erap,
    Sa dahilang di na nga siya “qualified”
    At posibleng maging kabilang pa’t sukat
    Nitong sangkatutak na mga “aspirants”

    Na kahit di pa man nga po “campaign period”
    Ay kung anu-ano nang simpleng palusot,
    Na uring kampanya at estilong bulok
    Ang gawa ng iba para maka-ungos;

    At kung saan kahit alam nilang bawal
    Ay patuloy pa ring “practice” nitong ilan
    Ang kung anong samut-saring Infomercial
    At iba pang gimmick ng pagpaparamdam;

    Na kagaya nga ng ginagawa ngayon
    Ng dating Pangulo, kahit batid nitong
    Posibleng di na siya pupuedeng humabol
    Pagkat nagkakaso siya ng pandarambong;.

    At kung saan matapos ang paglilitis
    Na mabusisi at lantaran “in public,”
    Ang ina-asam n’yang siya’y maa-“aquit”
    Ay kabaligtaran po ng naging “verdict”!

    Pagkat habang buhay na pagkabilanggo
    Ang napala niya sa kabilang dako,
    At di inakalang biglang maglalaho
    Ang lahat bunsod ng kanyang pagkabigo.

    At bagama’t di siyaa tuwirang nakulong
    Sa Muntinlupa o sa Bilibid Prison,
    Ay mahaba-haba rin namang panahon 
    Ang tiniis nito sa kanyang detensyon:

    (Sa Tanay, Rizal ng walang tsiks at inom,
    Na mas mabigat pa sa “lethal injection”?;
    Kung ang katanungan ay sa mang-iinom
    At mabisyo sa tsiks nating itatanong!)

    At kaya lamang di nagtagal sa loob
    Ay dahil sa Pardon na pinagkaloob,
    Ni Pangulong Gloria kahit di “absolute”
    Na kapatawaran yata po ang utos.

    Sa madaling sabi, nakakapit pa rin
    Kay sir Estrada ang pagiging salarin;
    At ang tatak rehas nito para sa ‘tin,
    Na “ex-convict” na nga pong maituturing?

    Pero haya’t tila di niya alintana,
    At nagpaparamdam pa ring hahabol nga,
    At 99.9 percent na raw yata
    Ang tsansa po nitong mangibabaw bigla.

    Kaya’t pasimple nang gumagala ito
    At bale wala lang sa dating Pangulo,
    Ang posibleng kahinatnan ng pagtakbo
    Dala nga po ng pagkakulong nito..

    Sana naman itong ating Court of Justice
    Ay maglabas naman po ng “specific”
    Na “ruling” hinggil sa usaping nabanggit
    Upang ang di dapat ay huag nang humirit;

    Gaya halimbawa nitong iba pa riyan
    Na may nakabimbing kaso sa hukuman;
    Di ba’t mas mabuting huag na lang payagan,
    Kundi rin lang nila puedeng magampanan?


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here