Proper usage of government owned vehicle

    328
    0
    SHARE
    Hindi na bago at tinubuan na ng ugat ang isang memorandum na nagbabawal sa paggamit ng mga government vehicles sa personnal na bagay, ginagamit na pangsundo sa mga eskuwelahan, pamalengke at iba pang private social functions.

    Tila nakalimutan na ang lahat ng ito, at nabura na rin sa isipan ng bawat opisyal ng SBMA na nagpapatupad sa mga pinaaiiral na alituntunin dahil sila na rin ang lumalabag dito.

    February 26, 2002 pa ng ipinalabas ang nasabing Memorandum (PWGT-M02-029) PROPER USAGE OF GOVERNMENT OWNED VEHICLE. Dapat na mamulat ang mata ng bawat opisyal at mga empleyado hinggil sa Memorandum na ito at nakasaad dito ang “It has been observed that most of the SBMA vehicle being utilize by various department neglect to exercise the proper usage of government owned vehicle”.

    Nakasaad din sa nasabing Memorandum na “All departments, agencies, offices, government owned and/or controlled corporations, local government units and other government instrumentalities are prohibited from using government vehicles for the purpose other than official business. Provided , that in every case , the trip ticket authorizing the use of the vehicle be displayed on the windsheld on in another conspicuous place on the vehicle”.

    “The use of government vehicles on Sunday, Legal Holidays, out of regular hours or outside the route of the officials or employees authorized to used them, or any other person other the such officials or employess, shall unless properly authorized, be prima facie evidence of violation of this Section in the administrative proceedings against the officials or employees responsible for such violation”.

    Maliwanag pa sa sikat ng araw na kalimitan ang ilang sasakyan ng SBMA ay nasasangkot sa vehicular accident dahil sa hindi tamang paggamit sa mga ito.

    Tinamaan kayo ng lintek, di ba tama?

    Isa na lamang na halimbawa ang napuna ng CASTIGADOR nitong nakaraang araw na ang coverage Team ng MEDIA PRODUCTION DEPARTMENT ng SBMA na gamit ang government vehicle upang iko-cover sa ZAMBALES ang STATE OF THE PROVINCE ADDRESS ng gobernador. Legal ba naman ang pagpunta ng mga ito, at ano naman kaya ang kinalaman ng SBMA dito?  Umaga ang SOPA, dumating sila hapon. Sige nga ipaliwanag ninyo?

    Alam din ba ito ng kanilang BIG BOSS kuno na si Ms. Neth Fernando ng CORPORATE COMMUNICATION GROUP. Aba, eh! Dami na pala departamento ng PR ng SBMA? May PRO etc., pero tila iisang tao ang nagtatrabaho, he he he. Ang tanong aprubado na ba ito ng DBM ang creat na mga bagong department?  

    Yun bang mga ginagamit sa coverage tulad ng video tape, battery at iba pa, personal na gamit ba ng bawat isa o mula sa pera ng SBMA?

    Ilang litro ng gasolina naman kaya ang nakunsumo sa may 80-kilometers na layo mula SBMA hanggang Iba, Zambales. Sa SBMA din ang gasolina may pakinabang ba ang SBMA sa pagpunta nila sa Zambales o baka may ibang AGENDA at personal na lakad ang mga ito habang ang kanilang oras ay gumagana at pinapasweldo ng gobyerno na nagmumula sa pawis ng pilipinong nagbabayad ng kanilang buwis.

    SBMA  Administrator Armand Arreza, sir, alam mo ba ang nagyayari sa mga Department Heads na nasa paligid mo?

    Sana maaksyunan mo ito bago pa lumala ng husto.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here