OLONGAPO CITY – Nag-rally sa harap ng Old Cabalan IntegratedSchool (OCABIS) ang ilang mga magulang at opisyal ng barangay upang manawagan sa DepEd na tanggalin ang principal ng nasabing eskwelahan na ayon sa kanila ay nasasangkot sa mga katiwalian at pang-aabuso ng kapangyarihan.
Iniimbestigahan ng Department of Education (DepEd) Region 3 si Fina Fadera, principal ng nasabing paaralan, bunsod ng mga reklamong “grave misconduct at unethical behavior” na inihain ng mga magulang at ilang guro sa OCABIS. Ipapatawag ng Division of City Schools si Fadera upang dinggin at sagutin ang reklamong laban sa kanya. Ayon sa mga nagrereklamo, si Fadera ay nagmamalabis sa kanyang tungkulin dahil sa hinahayaan umano nito ang kanyang asawa at mga anak na gamitin ang ilang Principal pinatatanggal ng mga magulang mga gamit at pasilidad ng paaralan, tulad ng aircon at computer sa maghapon kahit wala sa opisina si Fadera.
Ayon pa sa mga ito, may mga iregularidad ding ginagawa si Fadera sa loob ng paaralan at ilan sa mga ito ay ang pagpapatrabaho sa kanyang asawa ng ilang mga proyekto sa paaralan na dapat umano ay dumadaan sa bidding tulad ng paggawa ng isang table tennis board at ilang mga cabinet.
Pwersahan din umanong naniningil si Fadera ng piso sa mg mag-aaral araw-araw bilang pambayad sa tubig at kuryente ng paaralan na ayon sa mga magulang ay bawal.Pinasunalingan naman ni Fadera ang mga akusasyon na ibinabato laban sa kanya. Ayon kay Fadera, galit lamang ang mga nagrereklamo laban sa kanya dahil sa mahigpit niyang ipinapatupad ang mga regulasyon sa paaralan.
Dagdag pa di Fadera na madalas makita sa kanyang opisina ang kanyang asawa dahil umano ito ang naghahatid at sumusundo sa kanya sa paaralan. Wala din umanong nakikitang masama si Fadera kung nakikita ang kanyang asawa sa loob ng kanyang opisina at gumagawa ng ilang proyektosa loob ng paaaralan dahil hindi umano ito bawal.Handa umanong harapinat agutin ni Fadera ang reklamo laban sa kanya.
Nauna nang inereklamo si Fadera noong mga nakalipas na taon ng mga PTA officers and members ng Sergia Elementary School sa Barangay Kalaklan, Olongapo City nang siya pa ang principal ito.