Ang mga detinado ng Bulacan Provinca Jail habang hinahakot ang mga nalikom na relief goods. Kuha ni Rommel Ramos
LUNGSOD NG MALOLOS —Naglikom upang makapagpamigay ng mga relief goods ang mga detinado ng Bulacan Provincial Jail para sa mga reaidenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal sa Batangas.
Nakalikom ang mga ito ng sako-sakong bigas, de-lata at mga lumang damit na dinala naman ng mga opisyales ng Bulacan Provincial Jail sa Calatagan, Batangas para ipamahagi sa mga residenteng apektado doon.
Bukod sa relief goods ay nakapamahagi din sila ng P50,000 cash na nalikom mula sa mga pamilya ng mga detainees at religious organization.
Ayon kay Arlan Bantilan, mayor sa kulungan, bagamat nakakulong sila ay may maganda rin naman silang kalooban at nais nilang makatulong sa mga Batangueño.
Ayon naman kay Marcos Rivero, ang provincial jail warden, nasa 3,223 naman ang kabuuang bilang ng mga inmates sa kulungan na nagtulong-tulong para makalikom ng mga dadalhin sa Batangas. Nagpapasalamat siya sa mga ito sa kanilang inisyatibo at nagnais na tumulong sa mga nasalanta ng Bulkang Taal.