Mahanghang at tila wala sa direksyon
itong binitiwang salita ni Digong
laban mismo riyan kay pangulong Bongbong,
na inakusahang sa droga ay lulong.
Likas na nga kasi riyan kay Duterte
ang kawalan minsan ng respeto pati
ng pangungusap na may pagka-disente
ng dahil na rin sa palabiro kasi.
Batid na ng iba ang ‘mannerism’ nyan
ng basta maisip ay binitiwan,
gaya ng kay Bongbong niya pagbibintang
na ya’y adik na nga sa gamot na bawal.
At kahit biro lang di dapat sabihin
‘in public’ ng dating presidente natin,
pagkat isang bagay na maituturing
na paglapastangan sa naging tungkulin.
Ipagpalagay nang ya’y di pagbibiro,
pero mali pa rin sa kabilang dako;
may tamang lugar na siyang magtuturo
kung saan ang dapat kumastigo nga po!
Paninirang puri ang ganyang sistema
nang paniniil sa kapwa tao, di ba?
Pagkat kung wala rin namang ebidensya
‘outright dismissal’ ang hantungan kumbaga.
Mabigat ang bintang ng dating pangulo
kung walang malinaw na basehan ito
at haka-haka lang, mabigat na kaso
ang kakaharapin ni Duterte mismo.
Sino man marahil ang paksang naturan,
na presidente ng ating Inangbayan
itong kaladkarin ang kanyang pangalan
sa ganyang estilo tiyak na aangal.
Hindi pa ba tayo nasanay kay Digong
nang siya pa itong sa Administrasyon
may hawak kumbaga o pinaka-Timon,
itong kadalasan ay nagiging Kengkoy?
O palabiro lang at hindi seryoso
sa kung anong minsan sinasabi nito;
ang sabihin ngayon, bukas di na nito
matandaan pagkat may ‘dementia’ ito.
Nakapagtatakang katiket ng anak
ni Digong si Bongbong ano’t ilalaglag
nga ni Duterte ang katambal n’yan dapat
kung sa kabila nyan ay walang nag-Hudas?
Posible rin namang sa kampo r’yan mismo
ni Sara galing ang pangyayaring ito
na kinaladkad nga ng dating Pangulo
sa tila hindi na kagandahang isyu.
Kung saan ay sila sa kabilang banda
itong apektado at ang tandem nila
ang di pa man nga wasak na sa Masa
nang dahil sa sobrang pamumulitika.
At ang epekto n’yan imbes makabuti
sa ‘ting mamamayan ay makasarili
lang na intension ng ‘Duterte family’
upang si Sara ang maging presidente !~.