Tampok dito sina Paolo Valenciano, Robin Nievera, Isabella at Karylle Yuzon. Ayaw sanang umeksena pa ni Pops sa presscon ng concert sa Jet7 Bistro, pero sinagot naman niya ang tanong ng press.
Biro nga niya, “Ay, huwag na ako!” Pero pinagbigyan naman niya ang tanong tungkol sa feeling niya sa pagtulong sa mga anak ng music icons.
Itinanggi ni Pops na stage mother siya kay Robin. “Isa akong stage producer! Hahaha!” sey niya.
“Proud ako because I practically saw them when they were kids. So, sila talaga ’yung tinatawag na ‘Next Attractions.’ Siyempre, we have to love our own, hahaha! “So far, sobrang behaved silang apat. Magulo lang when they are together. I think that’s the fun of it all and that’s the reason why we are putting the show together to really show their chemistry together, ’di ba?
“Sila ang magmi-meet together. Hindi ako nakikialam. Malalaki na sila. Kaya na nila ’yon. Walang brats sa mga batang ito, budget lang ako, hahaha!” pahayag ni Pops.
Matagal na raw ang suggestion kay Pops na pagsamahin ang apat. Ngayon lang niya naramdaman na ngayon na ang oras niya.
Si Paolo ang magiging director ng concert na ang feeling ay magaan kumpara sa pagdidirek sa concert ng ama niyang si Gary V.
Ang sponsors ng show ay Glutamax, Nice Day Coffee at Jet7 Bistro.