Nag-iyakan sa presscon

    398
    0
    SHARE
    Hindi maiwasang umiyak sina Ruffa Gutierrez at Tita Annabelle Rama nang tanungin ang away nilang dalawa. Open book na against si Tita Anabelle sa kasalukuyang boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal.

    Buong ningning na sinasabi ni Tita Annabelle na hindi pa niya mapapatawad si Ruffa at ‘plastic’ diumano ito. Pero hindi naman tumitigil si Ruffa na bumeso sa ina kapag nagkikita sila. Dahil siya ang anak, siya naman ang lumalapit. Panahon nga lang ang makakapagsabi kung kailan sila magkakabati.

    “Ayaw kong isipin ng mga tao na napaka-arte ko naman, hindi ko binabati. Gusto ninyong malaman ang buong reason kung bakit hindi ko siya mapapatawad? Panoorin ninyo Season 3 ng aming show na ‘It Takes Gutz To Be A Gutierrez’. Doon ninyo malalaman na tama ako,” bulalas ni Tita Annabelle nang makapanayam.

    Kahit si Tito Eddie Guitierrez ay wala nang kinakampihan sa mag-ina niya. Kapag si Ruffa raw ang kinakampihan niya dati, ang ending sila ni Annabelle ang nag-aaway. Pero ngayon wala raw siyang kinakampihan dahil pareho silang tama. Si Anabelle ay nandiyan para proteksyunan ang anak at gusto lang nito ang the best para kay Ruffa. Ang aktres naman ay may sarili ng pagiisip at buhay at kailangang mag-enjoy rin ito.

    “Hindi ka naman mabubuhay sa enjoyment,” palag naman ni Tita Annabelle.

    Kahit sa show na ‘It takes Guts To Be A Gutierrez,’ ay hindi dumarating si Tita Annabelle sa mga event ni Ruffa dahil ayaw niyang scripted ang pagbabati nila. Kahit utos pa yun ng director nila. “Ayaw ko siyang batiin dahil lang sa show. Hindi ko pa siya mapapatawad ngayon. Lahat ng imbitasyon nila sa akin, hindi talaga ko uma-attend talaga, sila-sila na lang. Umattend ako sa presscon dahil importante sa akin ito, kasi lahat ng mga press na nandito ngayon ay mga kaibigan ko. Hindi ako puwedeng mag-absent dito,” bulalas pa niya.

    Anyway, babalik sa July ang Season 3 ng ‘It Takes Gutz To Be A Gutierrez’ sa July sa E! channel. Ang first season at second season ng show ay magsisimula namang mapanood sa TFC (The Filipino Channel) at Lifestyle Network ngayong June 6. Buong mundo na ang makakapanood ng naturang show. Tinagurian silang ‘Royal Family of Philippine Showbusiness.’

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here