INAASAHAN ANG pagdalo ni Pokwang kasama ang only child na si Mae sa premiere showing ng pinagbibidahan niyang movie, Call Center Girl (CCG), sa SM Megamall Cinema 7.
More than just about her supposed trabaho bilang call center agent and the interesting facet of being one, CCG is also about the relationship between mother and daughter.
It is about a mom who had to work abroad, leaving behind three children, na ang bunso, ginagampanan ni Jessy Mendiola, ay too young to realize kung bakit dapat iwanan silang mag-kakapatid ng ina sa care ng kanilang ama na sakitin (Jestoni Alarcon).
When, 13 years later, she comes home, binawian na ng buhay ang asawa. Ang dalawang anak, ginagampanan nina Diana Medina at Aaron Villafl or, ay may sari-sarili nang buhay. Tanging si Jessy na lang ang natitira sa bahay na ipinundar niya. Dalaga na ito at may trabaho na.
“More or less,” ani Pokwang, “ganito ang buhay na naranasan ko bago ako napasok sa showbiz. For a number of years, nagtrabaho ako sa Abu Dhabi as a dancer. “Dahil sa istriktong rules ng aming kumpanya na unless tapos na ang kontrata mo, ’di ka puwedeng umuwi, at unless babayaran mong lahat nang may tubo pa ang natitirang taon ng iyong pagtatrabaho, hindi ako nakauwi ng Pilipinas nang binawian ng buhay ang aking panganay.
Namatay siya sa kanser. “Ang sama ng loob ko noon,” pahayag pa ni Pokwang. Kaya, nabuhos ang kanyang pagmamahal kay Mae, who turned out to be a good daughter. Masipag mag-aral. Mabait.
Now in college, Mae is taking up a course in Culinary Arts at the Endurun College, an expensive cooking school in The Fort. Her dream is to put up a restaurant pagkatapos niyang mag-aral. “Ang pangarap na ’yan ni Mae ang pinag-iipunan ko ngayon,” dugtong ni Pokwang na naka-smile.