MAY fund raising show ang Philippine Movie Press Club, Inc. sa November 24, 9 p.m, sa Zirkoh Tomas Morato, Quezon City, titled PMPC Stars For A Cause (Big Show ‘To… Pramis!!!).
Ang show ay pinangungunahan ng hunk actor ng ABS-CBN na si Jake Cuenca, ang hottest loveteam ng GMA-7 na sina Jake Vargas at Bea Benene, Sex Bomb Dancers at John Rendez.
Naroroon rin ang Superstar na si Nora Aunor na may sorpresang gagawin para sa show.
May mga nagtatanong kung ano daw ba ang gagawin ni Ate Guy? But who knows, baka naman makipag-duet si Ate Guy sa special friend nitong si John Rendez. Hindi nga ba’t hanggang ngayon ay marami ang may gustong muling marinig ang golden voice ng Superstar?
Sa pamumuno ni Pangulong Roldan Castro, ang fund raising ng show na ito ng PMPC na taun-taong ginagawa ng organisasyon ay malaking tulong sa mga taong nangangailangan.
Mapupunta ang kikitain sa mga less fortunate people, Child’s Haus at sa ibang miyembro ng organisasyon na may mga karamdaman.
Kasama rin sa PMPC Stars For A Cause sina Paula Bianca, Miguel Aguila, Le Chazz, AJ Tamiza, at marami pang surprise guest artists na ikagugulat ng mga manonood.
Si Laguna Governor ER Ejercito ay isa sa sponsor ng PMPC Stars For A Cause.