Plaza ng Dinalupihan puno ng saya, liwanag

    493
    0
    SHARE
    DINALUPIHAN, Bataan: Napuno ng saya at liwanag ang plaza ng bayang ito sa switch-on ng Christmas lights na ginanap Biyernes ng gabi.

    Naging sentro ng pagsasaya ang malaking belen na gawa mula sa giniikan at indigenous materials na binasbasan ng pari. May buffalo at tupa ang belen bukod pa sa kay Maria, Jose at batang Hesus at ang Tatlong Hari na matatagpuan sa gitna ng plaza.

    Nagningning sa liwanag ang glorieta at palibot ng plaza ganoon din ang katabing kalsada malapit sa simbahan na nababalot din ng mga Christmas lights na tila hugis nota ng musika.

    Nagsimula ang palatuntunan sa gitna ng dilim kung saan ilang piling estudyante ang nagtanghal ng sayaw at awit bilang papuri sa pagsilang ng Panginoong Hesus.

    Pinangunahan ni Mayor Maria Angela “Gila” Garcia at Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman ang pagsisindi ng mga kandila bago ang countdown.

    Nang magliwanag, inaliw ng mga street dancers at Kabataan Orchestra ang maraming taong sumaksi. May ipinamigay ding bibingka, puto bumbong at tsaa.

    Nagpasalamat si Mayor Garcia sa suportang ibinibigay ng mamamayan sa kanya upang maisakatuparan ng maram-ing proyekto.

    “Maraming injustice, may kahirapan, droga, magulo ang paligid pero 2,000 years ago hindi sumuko ang Panginoon. Huwag mawawalan ng pag- asa sa puso at magkaka- roon din ng pagbabago sa ating sarili at sa ating bayan,” pahayag ni Congresswoman Roman.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here