Home Headlines Pickup ng gobyerno ginamit sa paghahatid ng shabu

Pickup ng gobyerno ginamit sa paghahatid ng shabu

840
0
SHARE

Ang Nissan Navara pickup truck na ginamit umano ng isang drug
suspect sa paghahatid ng hinihinalang shabu. Contributed photo.


 

SANTA ROSA, Nueva Ecija — Naka-impound ngayon sa pulisya ang isang pickup
truck ng gobyerno na nakatalaga sa tanggapan ng bise alkalde matapos di-
umanong magamit sa pagbebenta ng shabu nitong Huwebes.

Ayon sa pulisya, ang puting Nissan Navara ay sakay ang suspek na si Rey Gee
Viñas, 29, residente ng Barangay Soledad ng bayang ito nang i-deliver ang
dalawang sachet ng shabu sa isang pulis na nagkunwang buyer bandang 12:40 ng
umaga.

Sa ulat, tinatayang nagkakahalaga ng P1,000 ang nakuhang shabu mula kay Viñas.
Nasamsam rin mula sa kanya ang P1,000 na buy-bust money, at mobile  phone.
Inaalam pa kung paanong nagamit ng suspek ang sasakyang nakatalaga sa
tanggapan ng bise alkalde.

Nakapiit ngayon sa custodial facility ng Santa Rosa Municipal Police Station si
Viñas habang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive
Damgerous Drugs Act.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here