Philip Savador disqualified sa pagtakbo sa Bulacan

    307
    0
    SHARE

    Mukhang lumabo ang inaambisyong kandidatura ng actor na si Phillip Salvador bilang bise gobernador sa lalawigan ng Bulacan matapos ma-disapprove ng Election Registration Board ng Pandi, Bulacan ang application for transfer of registration nito mula sa 572 Wack Wack, Mandaluyong to 54 Santisima St. Bagong Barrio, Pandi, Bulacan.

    Nag-ugat ang nasabing pag-disapprove sa kanyang aplikasyon matapos itong kuwestiyunin ng ilang taga-Pandi.

    Naghain ng kanyang transfer of registration si Phillip noong nakaraang April 11, 2012 kung saan base sa logbook ng ERB chairman na siya ang tumanggap at bilang administering officer ay nag-signify ang oath nito na ang bawat nakasulat sa kanyang aplikasyon ay totoo.

    Nag-file naman ng kanilang “challenge/opposition to application of transfer of registration of voter”  sina Romeo Capiral, Marcellano Mendoza noong August 2, 2012 at nitong August 13 ay nagsampa rin ng kaparehong reklamo sina Romy Mesina at Richard Loveranes na pawang mga taga-Pandi.

    Nagsampa rin sila ng urgent motion para sa ocular inspection sa nasabing address kung saan sinasabing nakatira si Ipe para ma-justify ang approval ng kanyang aplikasyon.

    Nag-set ang ERB ng hearing noong August 20 pero dahil non-working holiday ito ine-reset  noong August 22.
    Hindi nakarating ang actor, sa halip, ni-represent ito ng isang Atty. Rosendo Meneses lll.

    Sa naganap na ocular inspection ng ERB kung saan kasama ang mga counsels ng magkabilang panig at barangay officials, nakita ang sinasabing address at bahay ni Ipe na walang amenities para masabing ito ay isang disenteng tirahan.

    Base sa isang tax declaration, napag-alaman na pag-aari ito ng Planters Development Bank pero ayon sa counsel ng actor, ito ay under renovation pa lamang.

    Gayunman, hindi itokinunsidera  ng Board dahil hindi pa diumano nangangalahati ang konstruksyon nito.

    Ito, diumano, ang naging basehan ng kanilang desisyon sa pagdi-disapprove ng aplikasyon ni Ipe. Bagama’t may nagsasabing pakana ito ng mga kalaban ni Ipe, may basehan diumano ang kanilang reklamo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here