๐๐ข๐ก๐๐๐ฃ๐๐๐ข๐ก, ๐ง๐๐ฅ๐๐๐- Inilunsad ng PhilHealth ang benepisyong GAMOT katuwang ang Sta. Lucia Eye Center & MultiSpecialty Clinic, kauna-unahang accredited private pharmacy sa CONCEPCION, Tarlac nitong ika-6 ng Mayo, 2026.
Ang programa ay pinangunahan ni PhilHealth Region III Acting Vice President Atty. Ma. Emily P. Roque, kasama sina Acting Branch Manager Dr. Rowena S. Zabat-Sa Mateo, Dr. Darwin C. Suarez, CEO/Owner ng Sta. Lucia Eye Center & MultiSpecialty Clinic, Atty. Yolanda C. Castro, Legal Counsel, SB Marvin Macalino, Municipal Councilor ng CONCEPCION, KAP Edward Christopher C. Suarez ng Sangguniang Panlalawigan ABC Tarlac, Ma. Fleurdeliz V. Dallo, Head ng PhilHealth Tarlac, at Patrick Manasan ng Corbridge.



Iginawad ng PhilHealth ang pagkilala sa Sta. Lucia Eye Center & MultiSpecialty Clinic bilang kauna-unahang pribadong PhilHealth accredited GAMOT pharmacy, gayundin bilang YAKAP at Optometric Services provider sa Tarlac, na nagbibigay ng mga sumusunod na benepisyo at serbisyong pangkalusugan:
โ ๏ธYAKAP (health screening, check-up, prescription, laboratoryo, at 21 essential medicines)
โ ๏ธGAMOT (Php20,000 halaga na kasama sa 54 essential medicines para sa bawat individual sa bawat taon)
โ ๏ธOptometric Services (pangangalaga sa mata)
Bilang aktibong ahensiya at ka-partner sa mga programang pangkalusugan, iginawad ni Dr. Suarez ang “Plaque of Appreciation” sa PhilHealth Region III, PhilHealth Tarlac, kasama ang YAKAP Team, upang kilalanin ang suporta ng ahensiya sa pagpapalawak ng YAKAP at GAMOT para sa mga taga-Tarlac.


Ibinahagi rin ni Dr. Suarez na ang programang ito ay para sa mga taga-Tarlac – inspirasyon na makatulong sa komunidad mula sa kaniyang butihing ina na si Gng. Carmelita C. Suarez. Ang PhilHealth YAKAP at GAMOT ay para sa lahat, kung saan maaaring pumili ang isang Filipino ng alinmang YAKAP clinic batay sa lokasyon at “quality services”. Hindi na kailangang magkasakit para magpa-check up, dahil may YAKAP at GAMOT na. Inihahanda na rin ng facility ang cancer screening requirement upang makumpleto ang serbisyong pangkalusugan para sa mga nangangailangan. (๐ท๐๐๐๐๐๐: ๐ผ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐จ๐ฒ๐จ๐ท ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐ฏ๐๐๐๐๐ ๐ถ๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ฎ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐)
(Ulat ni Monifer S. Bansil, Head-Public Affairs Unit)



