Home Headlines PhilHealth-Tarlac naglingkod sa mga katutubo sa Bundok Tangisan

PhilHealth-Tarlac naglingkod sa mga katutubo sa Bundok Tangisan

650
0
SHARE

TARLAC – Umabot sa 144 na kapatid na katutubo ang pinuntahan at nirehistro ng PhilHealth sa Bundok Tangisan, Barangay Maamot, Sitio Tangantangan, San Jose, Tarlac noong ika-13 ng Marso, 2023. Personal na pinuntahan nila Fleurderliz V. Dallo, hepe ng Local Health Insurance Office (LHIO) Tarlac, Dexter S. Maglalang, hepe ng Membership Section A, at mga kasamahan mula sa Public Affairs Unit, Membership Section A, at LHIO-Tarlac, ang mga kapatid na katutubo upang makita ang kanilang kalagayan at mailapit ang programang pangkalusugan ng PhilHealth sa kanilang mga pamilya.

Sa ilalim ng katirikan ng araw, ang grupo ay tumahak sa labing-apat na ilog sa loob ng isa’t-kalahating oras sa taas ng Bundok Tangisan. Ang etnikong komunidad ay kasama sa mga Geographically Isolated and Disadvantage Areas (GIDAs) na hindi abot o walang access sa internet, makabagong teknolohiya, at mga impormasyon at serbisyong pangkalusugan.

Pagrehistro sa PhilHealth ng mga kapatid na katutubo kasama sila Mario Isip
Pagrehistro sa PhilHealth kasama sila Roger Anselm Meneses, Rudy Mejia, at Dexter Maglalang
Pangkat PhilHealth katuwang ng DSWD papunta sa Bundok Tangisan

Katuwang ng PhilHealth ang mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) ng San Jose, Tarlac at Department of Social Welfare and Development (DSWD) municipal links at 4Ps team para marehistro bilang 4Ps members.

Maiging naipaliwanag ang kahalagahan ng pagiging miyembro ng PhilHealth at mga kaakibat na benepisyo at serbisyong laan tulad ng primary care o PhilHealth Konsulta para sa konsultasyon (check-up), laboratoryo (laboratory tests), at mga gamot, kasama rin ang mga outpatient and inpatient benefits.

Pagbibigay impormasyon sa mga kapatid na katutubo kasama sina Dexter S. Maglalang and Fleurdeliz V. Dallo
Grupo ng PhilHealth, mula sa kaliwa: Mario Isip, Rudy Mejia, Roger Anselm Meneses, Fleurdeliz Dallo, Chris Canlas, Dexter Maglalang and Christine Ann Roque

Nagpahayag naman ng kagalakan ang mga kapatid na katutubo para sa mga impormasyong ibinahagi ng PhilHealth. Ikinatuwa rin nila ang magiliw na serbisyo ng LHIO Tarlac at sa taos-pusong pakikinig at pagtulong upang sila ay marehistro sa programa. Ang iba namang kapatid na katutubo ay nagpasalamat sa PhilHealth dahil sa kanilang mga karanasan sa paggamit ng benepisyo, kung saan wala silang binayaran sa pasilidad noong sila ay nanganak o nagkasakit ang kanilang pamilya.

Mayroon ding nagbigay ng saloobin na sana’y tuluy-tuloy lamang ang pagtulong ng PhilHealth sa mga nangangailangan.

Hindi inalintana ng grupo ang pagod at init ng panahon sa buong maghapon maisakatuparan lamang ang taos pusong paglilingkod na may ngiti para sa mga kababayang nangagailangan ng benepisyo at serbisyong PhilHealth, saan man sila naroroon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here