Perya sa memorial park

    520
    0
    SHARE
    BALANGA CITY – Matapos asikasuhin at dalawin ang puntod ng mahal sa buhay, isang tila peryahan ang pinupuntahan ng maraming tao bago sumapit ang takip-silim sa isang malawak na libingan sa lungsod na ito.

    May Ferris wheel, horror train at iba’t-ibang palaro, mga pagkain, damit at ibang mga paninda ang matatagpuan sa isang bahagi na malapit sa naglalakihang musoleo ng Eternal Shrine Memorial Park.

    Meron ding turuang mga aso na nagpapamalas ng iba’t-ibang tricks. May dalawang mesa ng billiard at isang mesa ng pool na libang na libang ang isang matanda. Dating at dating ang mga bata akay-akay ng mga magulang ganoon din ang maraming kabataan.

    “Nilinis namin at dinalaw ang puntod ng ina ng aking asawa at pagkatapos ay nagpunta kami rito sa peryahan upang maglibang kasama ang aming mga pamangkin,” sabi ng isang batang ginang.

    Mananatiling bukas ang peryahan tuwing gabi hanggang sa araw ng undas kung kailan inaasahan na dadagsa ang maraming tao sa memorial park.

    “Ayos naman ang benta ko,” sabi ng isang tindero ng popcorn.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here