To the max daw kung ma-in love si Bianca King. Hindi naman kataka-taka ito dahil artist si Bianca. Passionate sa siya sa kanyang mga ginagawa.
Kaya hindi kataka-taka na nang magsalita siya tungkol sa hiwalayan nila ni Dennis Trillo ay mababanaag ang kanyang pagdadalamhati. Kahit hindi diretsahan sinabi niya na matagal din siyang naka-move on. Kinailangan pa niyang mag-abroad nang matagal.
Naalala pa namin nang sabihin niyang puwede niyang iwan lahat alang-alang sa relationship nila ni Dennis.
Kung inaya siguro siya na magpakasal ni Dennis at sinabing iwan niya ang showbiz at maging maybahay na lang ay puwede niyang gawin.
Ang pagiging passionate ni Bianca pagdating sa pag-ibig ay mapapanood din sa character niya ngayon sa Maghihintay Pa Rin dahil sa istorya ng bagong soap ng GMA7 ay handa niyang tulungan nang husto ang boyfriend na ginagampanan ni Rafael Rosell kahit tutol dito ang kanyang ina.
Samantala, umalis ng madaling araw ng Tuesday ang buong grupo ng Maghihintay Pa Rin patungong Singapore para mag-taping doon ng seven days.
Sa istorya, makukulong si Rafael sa Singapore dahil sa kagagawan ni Julienne Lee, ang nagbabalik-Kapuso na huminto noon sa pag-aartista para magtapos sa kolehiyo. Obsessed si Julienne kay Rafael.
Eh, di naman matanggap ni Rafael si Julienne bilang lover. Ang puso niya ay para lang kay Bianca.


