Naging masalimuot na ‘yung isyung kinasangkutan nina Jennylyn Mercado, Becky Aguila at ng di umano’y nagtakas ng pera ni Jennylyn Mercado na si Mel. Kung saan saan na kasi napagawi ang usapin at ngayon nga, sinasabi ng dating alalay na si Becky nga raw ang kumuha sa pera ni Jennylyn Mercado.
Nang tanungin si Mel kung saan napunta ang perang hinahanap ni Jen, tahasan nitong sinabing: “Kay Becky Aguila! Check mo yung account ko, wala akong ganun, e. Check mo sa bahay ko, wala. At saka hindi ako nagpapa-lipo, di ba? Hindi ako nagka-casino.”
Bukod sa kontra-demandang isasampa ni Mel, isa pang kaso laban kay Becky ang nauna na nitong inihain sa Department of Labor and Employment (DOLE).
“Nagsampa ako noong October 12 sa DOLE, sa Department of Labor. Idinemanda ko si Becky ng illegal dismissal, salary wage, overtime pay, holiday pay, holiday premium, rest-day payment, 13th month pay, separation pay, non-payment, and moral exemplary damage, and attorney’s fee. Meron kaming first hearing ng November 12, 2:30 p.m., sa Department of Labor.”
Dagdag pa ni Mel, hindi biro ang naging epekto nito sa kanyang pamilya, partikular na sa kanyang mga anak.
“Na-trauma yung anak ko. Umiiyak siya, si Bianca, ayaw niyang pumasok sa school. Noong lumabas nga sa kabila [ABS-CBN] yung mga paratang sa akin, ‘tapos sinabi yung tunay kong pangalan, ayaw pumasok ng anak ko. Kasi baka tanungin siya ng kaklase niya, teacher niya. Ano daw ang isasagot niya? Kaya hindi siya nakapasok. Pero noong ipinalabas ako sa Startalk, gumaan yung loob ng anak ko. Ang daming nagte-text sa kanya na nagsasabing naniniwala sa akin, sumusuporta sa akin. Kaya pumapasok na siya. Mas naintindihan na niya.”
Ano ang message ni Mel kay Becky?
“Magpakatotoo siya. Huwag na niyang dagdagan pa yung mga taong niloko niya. Naloko na niya GMA Network, malaking network na, ako pa. E, paano pa yung ibang tao? Paano pa yung mga alaga niya?”
Pero ayon kay Mel, bukas pa naman siya sa pakikipag-usap at pakikipag-ayos kina Becky at Jen.
“Willing akong makipag-usap. Tinext ko si Becky. Ang sagot sa akin ni Becky, ‘See you in court.’ Guilty si Becky Aguila! Alam niya kasi wala siyang ano, e… alam niya malinis siya. Alam niya hindi ako magsasalita. Kaya kinukuha niya yung atensyon ni Jennylyn at ng mga artista niya.”
Pag-uulit ni Mel, “Sabi ni Becky, ‘See you in court.’ Paano niya ako isi-see you in court, e, hindi niya ako idinemanda. So, idedemanda ko siya, ganun, para mag-see you in court kami. Sige, Becky Aguila, see you in court. Kasi, di ba, talaga namang magkikita kami sa court? Kasi alam ko sasamahan niya si Jen.