Home Headlines PBBM’s SONA, puno ng pag-asa

PBBM’s SONA, puno ng pag-asa

351
0
SHARE

SUPER at tunay na ito’y matatawag
na hitik kumbaga sa tamis at timyas
ng ‘oo’ ng isang mutyang nililiyag
itong sa atin ay kanyang inilahad.

At nakatitiyak tayong ang lahat na
ng kanyang tinuran sa harap ng masa,
mabigyan ng tamang pagpapahalaga
para maipatupad sa panahon niya.

Ang hinggil para sa mga magbubukid,
na aniya ang siyang sa lahat ay higit
matutukan upang kanyang maibalik
ang sigla ng dati ay kanilang langit.

Lahat ng maaring maitulong niya
para masagip n’yan itong nanamlay na
daigdig ng ating mga magsasaka,
katigan niya dapat ang agrikultura.

Sa pamamagitan ng sila’y mabigyan
ng sapat na tulong, mga makinaryang
pangsakahan saka iba pang kailangan
upang di mabaon sa pagkakautang.

Dahil hinayaan sila ng gobyerno
at walang ayudang itinulong ito
para makabawi kapagka binagyo
at binaha pati ang pananim nito.

Tumaas ang presyo ng halos lahat na
ng mga bilihin n’yan sa pagsasaka,
abono at ibang mga gastusin pa,
kaya dumami ang ayaw ng magsaka.

Isa yan sa hindi r’yan napagtuunan
ng matamang pansin ng pamahalaan
sa nagdaang di lang tatlong dekada r’yan,
kaya ano pa ngang marapat asahan?

Kulang sa tunay na malasakit itong
pumalit kay Apo, na sina Corazon.
Boy benta, Erap at anak ni Kong’ Dadong,
lalo ang sinundan ni Pangulong Digong.

Na si ‘tulo-laway,’ na siya ang dapat
sisihin ng bayan sa pagkapahamak
ng ‘SAF 44’ na kanyang itinulak
sa disgrasya, sanhi ng pagiging palpak.

At wala rin namang nagawang mabuti
para sa bayan nang siya ang presidente,
kundi magpayaman sa kanyang sarili
at hakutin ang di pag-aari pati?

Kasama ang ilang inuban na’t lahat
sa puesto, gaya r’yan nang antuking si Frank
(Drilon) na asa mo ay palaging puyat,
na masandal lang ay tulog ‘yan kaagad?

At sana, ngayong ang idolo ng bayan
na si PBBM na ang Pangulo riyan,
lahat na ng pagbabagong inaasam
nitong bawat isa sa atin, makamtan.

Kung saan ang lahat na ng Pilipino
ay mabibiyaan ng ating gobyerno
ng sariling bahay at pirming trabaho
ngayong si Bongbong na ang ating pangulo.

Na inaasahan ng mga mahirap
nating kababayan – siyang tanging lunas
sa panahong ito na ang halos lahat
na ng bilihin ay ginto ang katumbas!~

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here