Home Headlines Pawikang nanghina sa pagkahuli, ibinalik sa dagat

Pawikang nanghina sa pagkahuli, ibinalik sa dagat

1029
0
SHARE

Ang pawikan na nahuli at ibinalik sa dagat. Kuha ni Rommel Ramos



GUIGUINTO, Bulacan — Nanghihina na ang isang pawikan nang ito ay dalhin ng isang concerned citizen sa
community environment and natural resources officedito para sa tamang pangangalaga.

Ayon kay Paul Vincent Cruz, ang nagmalasakit na nagsauli ng pawikan, nahuli sa Hagonoy ang naturang pawikan nitong nakaraang Linggo nang sumalalak ito sa isang lambat kayat iniuwi ng isang mangingisda.

Sa pagka-awa sa pawikan, binayaran ito ni Cruz sa hindi pinangalanang mangingisda at saka niya dinala sa CENRO para sa tamang disposisyon.

Agad namang ibinalik ng mga kagawad ng CENRO ang pawikan sa dagat sa coastal area sa bahagi ng Barangay Pamarawan sa Malolos.

Ayon kay CENRO senior ecosystem management specialist Onofre B. Andrada Jr., naalarma siya nang makita ang pawikan dahil ito ay naglalaway na palatandaan ng panghihina at posibleng mamatay.

Ngunit nilinaw ni Andrada na wala namang sugat o bakas na sinaktan ang pawikan kayat agad din nilang pinakawalan sa dagat. Bago binalik sa natural habitat ang pawikan ay sinukat muna ito at ito ay may 47 cm na haba at may 39 cm na lapad.

Nilagyan din ng tag ang pawikan bago ibinalik sa dagat bilang palatandaan kung ito ay muling mapapadpad sa kailugan at mahuhuli.

Mensahe ni Andrada sa publiko na may umiiral na batas na nagbabawal sa pag-aalaga ng mga ganitong uri ng hayop dahil ito ay kabilang na sa listahan ng mga endangered species sa bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here