Pasahero ng jeep patay sa riding-in-tandem

    456
    0
    SHARE
    GUIGUINTO, Bulacan — Patay ang isang lalake na lulan ng pampasaherong jeep matapos pagbabarilin ng riding- in-tandem criminals sa Barangay Sta.Cruz nitong Martes.

    Dead on the spot ang biktima na kinilalang si Alvin Agapito, residente ng Barangay San Jose, Plaridel, Bulacan na sakay ng pampasaherong jeepney na may biyahe patungong Guiguinto.

    Ayon sa ulat, napansin ng mga pasahero ng jeep na may sumusunod sa kanila na dalawang motorsiklo na may magka-angkas na lalake.

    Nang mahinto sa bahaging iyon ng MacArthur Highway dahil sa mabigat na daloy ng trapiko ay agad na dumikit dito ang isa sa dalawang motorsiklo at agad na pinaputukan ng tatlong beses si Agapito.

    Nagsilbi namang lookout ang dalawa pang magka-angkas sa motorsiklo.

    Nagtamo si Agapito ng mga tama ng bala sa ulo at katawan na nagresulta sa agad nitong pagkamatay habang agad na tumakas ang mga salarin.

    Inaalam pa ng PNP ang pagkakakilanlan ng mga salarin at lumalabas sa imbestigasyon na kasama sa drug watchlist ang napatay na biktima.

    Posible umanong may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay dahil user at pusher si Agapito batay sa talaan ng PNP.

    Narekober ng SOCO sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 baril.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here