Isang bagay na nagugustuhan ng press kay Batangas Governor Vilma Santos-Recto ay ’yung kilala niya ang press sa mga pangalan at kahit matagal nang hingi nakikita, kilalala at alam pa rin niya ang mga pangalan.
Ito ang dapat gayahin ng ilang kabataang artista at newcomers na hindi nag-i-effort kilalanin man lang ang press.
Na after ng interview, deadma na sila.
Hindi rin nakalimutan ni Gov. Vi na mag-imbita ng ilang entertainment press sa oath-taking niya sa last term niya bilang governor ng Batangas last Friday.
Nanumpa siya sa harap ng husband niyang si Sen. Ralph Recto after ng isang misa.
Dahil last term na, tinanong si Vilma kung may planong tumakbo ng national position sa 2016 elections, pero ayaw muna nitong pag-usapan ’yun.
Sa third term muna ang focus niya at itutuloy ang programa niya na tinawag niyang HEARTS na ibig sabihin, health, education/environment, agriculture, tourism and security/social services.
Very proud si Sen. Ralph kay Gov. Vi at 95 percent ang ibinigay na grade sa taon nang panunungkulan bilang pulitiko sa Batangas.
Sabi naman ni Vilma, hindi niya kayang mag-isa at kung naging effective man siya dahil ’yun sa tulong ni Sen. Ralph, ni Vice-Governor Mark Leviste at board members.
Samantala, excited at kabado na si Vilma sa gala premiere ng Ekstra sa July 28 sa CCP na kanyang first indie film. Tribute niya ito sa mga ekstra sa movies at TV.