Ngayong ‘disbarred’ na si Ariel D. Maglalang
bilang ‘lawyer’ sanhi riyan ng nagawang
pagkakasala o isang panlilinang
ay marapat lang na kanyang pagdusahan.
At kung anong klase riyan ng panloloko
ang nagawa n’yan sa mismong kliyente nito,
batik na sa kanyang pagka-abogado
kahit malusutan ang naging asunto.
Tulad nang bago ‘yan ma-‘disbar,’ siya itong
sa DARAB Pampanga ang Adjudicator,
maasahan pa ba ang klase ng taong
ito, na may bahid na ng pangongotong?
Na kung kanino ‘yan posibleng kumita
papanig kahima’t mas maliwanag pa
sa sikat ng araw, na ganito siya
at maituturing din na doble kara?
Kung saan posible rin niyang kasabuwat
si Atty. Munting-Mayor na pahamak,
matapos maningil sa isa kong anak
ng 100K ay nag-‘withdraw’ at sukat?
At ito namang si A.D.M. na ayaw
mag- ‘inhibit’ kahit na napakalinaw,
na ‘disqualified’ si Mrs. Cruz sa kasong
paglabag s batas ng Agrarian Reform.
Katwiran nila ay ‘certain portion’ lamang
ng 509 square meters r’yan ng lupang
isinangla sa MACABEBE RURAL BANK
nitong ‘allocattee’ riyan na naturan.
Nadesisyonan na ng pabor sa akin
itong narimata na ‘subject landholding’
pero binaligtad ng napakagaling
na ‘Adjudicator,’ nang ni walang ‘hearing’?
At kahit minsan ay itong magkabilang
panig di tinanong man lang ni Maglalang,
kundi bagkus mga ‘entry of appearance’
lang ng mga ‘lawyers,’ kasunod – pirmahan!
Kaya di malayo na magkasangga nga
ang dalawa na pareho yatang bakya
ni Neneng ang suot sa paa kung kaya
ang tunay na ‘gender’ nila ay halata.
At sana ang ‘Congress, Senate, Malacañan
gawan nang matamang aksyon na kailangan
ang ganitong klase na kahiya-hiyang
‘malpractice’ ng nasa ganitong larangan.
At di pagka- ‘disbar’ lamang sa propesyon
itong nararapat kay Maglalang, ihatol
kundi ng kung ilang taong pagkakulong
nang di tularan ng ibang Manananggol.
Gaya nga nila na mangalaga dapat
sa makatarungang bagay na panukat –
sa tama – at di sa katanungang ‘how much’
ang kayang ibigay nang sa matuwid salat.
` At ngayong posibleng wala na ang tinik
sa kasong ‘yours truly’ ang nasa matuwid,
‘disqualification’ ang dapat manaig
laban kay Cruz at kay Ariel – itong ‘verdict’
Na maipatupad ng DAR o ng DARAB
base sa ‘rulings’ at panuntunang batas
ng ‘Agrarian Reform’ upang maging patas
para sa ‘kin at kina CRUZ ang panukat!~