Home Headlines Panukalang ‘rev-gov’ pormal nang inihain sa Malacañang

Panukalang ‘rev-gov’ pormal nang inihain sa Malacañang

2054
0
SHARE

Ipinakita ni Bobby Brillante, deputy national spokesperson ng PNC ang kopya ng dokumento na inihain sa Malacañang para sa panukalang revolutionary government. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG MALOLOS — 
Pormal nang inihain sa Palasyo ng Malacañang nitong Martes ang mga dokumento para sa panukalang pagdedeklara ng revolutionary government bilang daan naman sa pederalismo.

Ang dokumento ay inihain ng People’s National Coalition for Charter Change and Federalism na naglalaman ng draft ng proklamasyon para sa revolutionary government at ang provisional constitution nito para sa pagpapalit ng Saligang Batas patungo sa presidential-federal-parliamentary form of government.

Sa panayam ng Punto! kay Bobby Brillante, deputy national spokesperson ng PNC, inaasahan nila ang reaksyon dito ng Pangulong Duterte sa loob ng dalawang linggo para maideklara na ang revgov sa susunod na buwan.

Nilinaw ni Brillante na ang taumbayan ang magtitipon-tipon at magdedeklara ng revolutionary government at ang Pangulong Duterte lamang ang mamumuno nito.

Isa aniya itong mapayapang paraan ng pagbabago ng Saligang Batas at dapat na itong gawin lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa pandemya.

Sa time frame nina Brillante, sa unang tatlong buwan na nasa ilalim ng revolutionary government ang bansa ay babalangkasin ang mga nilalaman ng pederalismo na isusumite sa taumbayan para sa referendum.

Matapos noon ay gagawin na ang local at national election ng pederalismo sa November 2021 bago ang pagbaba ng Pangulong Digong sa pwesto sa June 30, 2022.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here