Pangungulila sa nawawalang bata
    lalong sumisidhi sa Kapaskuhan

    90
    0
    SHARE
    SAMAL, Bataan- “Kung sino man po ang nakakakita sa aking anak na si Dave Crisostomo, 12 taong gulang, sana po tulungan ninyo kaming makauwi na siya sa San Juan, Samal, Bataan, upang makapiling namin siya ngayong Pasko.”

    Ito ang panawagan ni Bong Crisostomo, ama ng batang si Dave, first year sa Samal High School, na huling nakita sa kanilang bahay sa San Juan noong tanghali ng Agosto 28, 2008.

    “Malungkot po ang buhay namin dahil kamamatay lamang ng aking asawa at ngayon nawawala pa ang panganay kong anak,” sabi ni Bong.  “Umuwi ka na kuya,” sabi naman ng kapatid nitong si Angela. Ang batang nawawala ay panganay sa tatlong anak ni Bong.

    Nangungupahan ang mag-aama sa isang lumang bahay sa barangay San Juan. Ang mga batang kalaro ni Dave sa jumping rope ay nanawagan din na sana’y bumalik na ito.

    May nagsabi umanong may nagsama sa bata papunta sa Tanza, Cavite o Tondo, Pasig o Alabang (Metro Manila) subalit ito’y hindi nila makumpirma.

    Patuloy ang pagtatanong ni Bong sa mga tindahan, tricycle driver at mga taong madaanan. Sa tuwing makakadaan siya ng mga Christmas tree at ibang Christmas decorations sa Samal ay lalong sumisidhi, aniya, ang kanyang pangungulila.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here