Panghoholdap sa grocery, kita sa CCTV

    392
    0
    SHARE
    BALAGTAS, Bulacan – Kitang-kita sa CCTV ang naganap na panghoholdap sa isang mini grocery store sa baranggay Wawa ng bayang ito.

    Ayon sa may-ari ng isang grocery store, pinasok siya ng apat na kalalahikan nitong Linggo bandang alas-dose ng hapon at ibinigay na niya nitong Martes ang sipi ng CCTV sa kapulisan sa kanilang bayan.

    Makikita sa CCTV na apat na kalalakihan na umeedad ng 20 hanggang 30 anyos ang nagpanggap na customer ng nasabing grocery store.

    Nung una ay pumoste muna ang mga suspek sa harapan ng tindahan. Matapos niyon ay nagpabalik-balik na ang isa sa mga suspek at kunwari ay bumibili ng alak at ng makatiyempo na ang mga ito ay bumunot ng baril ang isa sa mga suspek, ikinasa ang baril at nagdeklara ng holdap.

    Aniya, halos tatlong minuto lamang ng limasin ng mga suspek ang laman ng kanyang kaha na nasa P55,000 na pinagbentahan ng kaniyang tindahan ng mga oras na iyon.

    Dinala ng mga suspek ang kahera at ilang mga tauhan ng nasabing grocery store sa likod na bahagi ng tindahan at saka mabilis na tumakas sakay ng isang big bike.

    Bago tuluyang sumibat ay nakita din sa CCTV na nagbulsa pa ang isa sa mga suspek ng isang pakete ng sigarilyo.

    Ayon sa may-ari ng grocery store, tumawag sila ng tulong mula sa kapulisan at tinungo ang direksyong tinahak ng mga suspek ngunit wala namang silang naabutan.

    Gayunpaman, nagpapasalamat na rin siya sa isang banda dahil sa wala namang nasaktan sa kanila ng kanyang mga tauhan.

    Ayon sa Balagtas PNP, malaking tulong nga sa kanilang imbestigasyon ang kuha mula sa CCTV.

    Bagamat ng pagtugmain ang kuha sa CCTV at gallery ng kanilang mga most wanted ay wala pang tumutugma sa pagkakalin-lanlan ng mga suspek.

    Ayon pa sa PNP, bagito lamang ang mga suspek sa pag-gawa ng krimen kung pagbabatayan ang kanilang modus operandi na makikita sa CCTV.

    Dahil dito ay pina-igting na rin ang kapulisan ng kanilang mga checkpoints upang maiwasang maulit ang kahalintulad na krimen.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here