CASTILLEJOS, Zambales – Naitala ngayong Sabado ang pang–anim at pinakabatang kaso ng Covid-19 sa bayang ito sa isang 3-tatlong-gulang na lalaki.
Ayon kay local inter-agency task force chair Mayor Eleanor Dominguez ang bata at amng kanyang ina ay dumating sa Castillejos noong July 22 mula sa Laguna sakay ng isang pribadong sasakyan.
Naipagbigay-alam ang kanilang pagdating sa barangay health emergency response team noong araw ding iyon at sila ay pinayuhan na sumailalim sa home quarantine at iwasan ang pagtanggap ng bisita.
Noong July 27 o matapos ang limang araw, ilang kamag-anak ang bumisita sa kanilang compound at nagkaroon ng ng salo-salo at inuman, at sa pagkakataon na iyon sila ay pinagbawalan ng Barangay.
Ang kanilang pagsuway sa utos mula sa barangay ang siyang naging basehan upang patawan ng karampatang aksyon at sila ay sumailalim sa RDT noong July 28. Ang mag-ina ay nagpositibo sa “lgM/lgG reactive” at agarang dinala sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa Iba, Zambales para ma-quarantine at mabigyan ng RT-PCR test.
Lumabas August 1 na ang bata ay positibo sa Covid-19. Bagamat walang ipinapakitang sintomas at nasamabuting kalagayan ang bata at ang kanyang ina ay mananatili sa PRMMH para maobserbahan at i-quarantine.
Nagsagawa na ang lokal na pamahalaan ng Castillejos ng contact tracing sa nakasalamuhang pasyente, naging bisita, ka-anak at mahigpit na babantayan ang kondisyon ng mga ito.
Magsasagawa rin ng disinfection at magpapatupad ng lockdown sa paligid ng kanilang lugar.