Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 9 nakarekober, 7 bagong kaso

Covid-19 sa Bataan: 9 nakarekober, 7 bagong kaso

152
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Siyam ang bagong nakarekober sa coronavirus disease sa Bataan kaya umakyat sa 251 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na sa mapanganib na sakit, sabi sa ulat ni Gov. Albert Garcia ngayong Sabado.

Ang mga bagong nakarekober ay isang 63-anyos na lalaki, 22-anyos na lalaki, 55-anyos na lalaki, at 41-anyos na lalaki, lahat mula sa Mariveles; 41-anyos na lalaki at 71-anyos na babae mula sa Orani; 47-anyos na lalaki at 37-anyos na lalaki mula sa Orion; at isang 37-anyos na babae mula sa Limay.

Samantala, umabot na sa 397 ang bilang ng mga nagpositibo sa Covid-19 sa Bataan matapos may pito pang nadagdag na bagong kumpirmadong kaso.

Sinabi ng governor na lumabas sa contact tracing na dalawa sa mga bagong confirmed positive ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa Covid-19 at ang isa ay dumalo sa worship gathering.

Ang mga ito ay isang 17-anyos at 30-anyos naparehong babae mula sa Pilar, at 33-anyos na babae mula sa Balanga City.

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay isang 36-anyos na lalaki mula sa Abucay, 50-anyos na lalaki mula sa Dinalupihan, 31-anyos na lalaki mula sa Orani at 60-anyos na lalaki mula sa Balanga City.

Ang bilang ng mga aktibong kaso ay 134 at nanantiling 12 ang nasawi na. Nasa 203 ang naghihintay ng resulta ng test samantalang 7,348 ang nagnegatibo na mula sa 7,948 na sumailalim na sa pagsusuri sa Covid-19, sabi ng provincial health office.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here