Home Headlines Pang-5 kaso ng Covid naitala sa Castillejos

Pang-5 kaso ng Covid naitala sa Castillejos

716
0
SHARE

CASTILLEJOS, Zambales Iniulat ni local inter-agency task force chair Mayor Eleanor Dominguez nitong Huwebes ang pang-limang kaso ng Covid-19 sa bayang ito.

Ayon sa alkalde, amg pasyente ay 66-anyos na lalaki, may pamilya at negosyo sa San Felipe at Subic. May kasambahay na maghapon nitong kasama at uwian kapag gabi.

Batay sa kanyang travel history, ang pasyente ay nagtungo sa City of San Fernando, Pampanga at Guiguinto, Bulacan at umuwi rin ito ng bahay ng araw ding iyon. Isang linggo pagkatapos ng biyahe ay hindi na ito lumabas ng bahay dahil nakaramdam ito ng panghihina at pagkawala ng ganang kumain.

Nitong July 27 ay nagpadala ito sa kanyang bunsong anak sa pribadong hospital sa Subic Bay Freeport dahil sa pakiramdam ng panghihina. Inilagay ito sa Isolation area ng hospital para obserbahan ang kondisyon.

July 29 nang siya ay isinailalim sa RT-PCR test at dahil sa kagustuhan ng pasyente  na lumabas ng hospital noong araw ding iyon, siya ay pinapirma sa Home Against Medical Advice.

July 30, lumabas ang resulta ng pagsusuri at positibo ito sa Covid19 at nitong Huwebes ay dinala na ito sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa Iba, Zambales at nasa mabuting kondisyon at wala pang ipinapakitang sintomas ng sakit.

Nagsagawa na ng contact tracing ang mga tauhan ng municipal health office sa nakasalamuha ng pasyente kasama na dito ang kasambahay at iba pang tauhan at mahigpit na babantayan ang kondisyon ng mga ito.

Nagsagawa na ng disinfection ang lokal na pamahalaan at magpapatupad ng lockdown sa paligid ng kanilang lugar.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here