Home Headlines Bangkay ng lola natagpuang nakalutang sa irigasyon

Bangkay ng lola natagpuang nakalutang sa irigasyon

954
0
SHARE

Ang rescue team habang iniaahon ang bangkay ng lola. Larawang kuha ng Bustos Rescue Team



BUSTOS, Bulacan — Patay na
nang matagpuan at nakalutang sa irrigation channel nitong Miyerkules ang isang 89-anyos na babae na halos isang na araw nawawala sa Barangay Bonga Mayor.

Ang biktima ay nakilalang si Simeona Shioto, 89, at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Kimberly Bernardo, apo ng biktima, naglaba ang kaniyang lola sa irigasyon at sumapit ang gabi ngunit hindi na ito nakakauwi. Hinanap nila ngunit bigo sila hanggang kinabukasan ay may natanggap silang mensahe na ang kaniyang lola ay  nalunod.

Dagdag pa ni Bernardo, taong 2015 nang malunod din ang kaniyang ama sa eksaktong lugar kung saan natagpuan ang kaniyang lola.

Ayon kay Paul Santos, DRRMO officer, marami ang mga residente na naglalaba sa patubig na iyon kayat paalala niya na huwag maglaba o maligo sa irrigation system dahil lubhang napakadelikado.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here