Pamilya nasunugan, damit sa katawan tanging natira

    400
    0
    SHARE

    HERMOSA, BataanTila pinagsakluban ng langit at lupa ang isang binatilyo matapos abutan niya nitong Miyerkules ng tanghali na tupok ang kanilang bahay sa Mabuco, Hermosa at tanging damit lamang sa katawan ang natira sa kanilang mag-aanak.

    Ang kanilang bahay na gawa sa kahoy ay nilamon ng apoy na suspetsang nagmula sa overheated electric fan pasado alas-10 ng umaga.

    Ayon kay Senior Fire Officer 1 Charlie Mendoza, Hermosa fire chief, sa pagtutulong-tulong ng tatlong fire trucks ay declared fireout alas-10:45 ng tanghali.

    Si Arvie Juanta, 14, 3rd year high school student, ay nasa kanilang paaralan at sinabihan ng kanilang principal na nasusunog ang kanilang bahay.

    Nagulat umano siya at nang dumating nga siya ay wala na ang kanilang tirahan.

    "Tulungan po ninyo kami sapagka’t wala po kaming naisalba at nasunog pong lahat ang aming ipinundar pati na ang mga damit at gamit naming magkakapatid sa eskwela kaya wala po kaming isusuot," sabi ng binatilyo.

    Ayon kay Arnel Juanta, driver ng trak na 6×6, suot-suot na damit lamang ang natira sa kanila. "Kumpleto kami halos ng gamit sa bahay tulad ng washing machine, 2 telebisyon, 3 electric fan at refrigerator pero ang lahat ng ito wala na," sabi ng ama na may tatlong anak.

    Wala namang nasaktan sa nasabing sunog at naagapang hindi na madamay pa ang ibang mga bahay tulad ng isang babuyan sa katabing bahay.

    Noong isang linggo, nasunog ilang minuto lampas ng hatinggabi ang isang dormitory ng mga istudyanteng lalaki sa Bataan National Heroes College sa Balanga na ang itinuturong dahilan ay overheated electric fan din.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here