Pambansang Kulasisi negatibo ang dating sa publiko

    401
    0
    SHARE
    Sobrang nega ang mga komento ng ilang tao laban kay Krista Ranillo dahil sa pagkasangkot niya sa kontrobersyang sila ni Manny Pacquaio ay magkarelasyon.

    Dahil nga rito, binansagang pang Kulasisi Ng Bayan si Krista na kung tutuusin ay hindi ganoon kagandang konotasyon nito.

    Pero siympre nagpapatawa lang ang mga nagpakalat ng bagong tag na kumbaga, nagpapa-cute sa pagtawag kay Krista na Pambansang Kulasisi. Masyado naman kasing lumaki ang isyu na talagang pati nga mga political broadcasters ay wala nang tigil sa pagdi-discuss na as if national issue na itong pagiging magkarelasyon ng dalawa.

    Medyo maanghang ang comment ni Gina Alajar sa kanyang Facebook account.

    Hindi namin mismo nabasa ang naturang komento pero may nagkapagsabi sa amin na ang nakalagay daw doon ay: “Kung ako si Jinkee Pacquiao, hindi ko pababayaan si Manny. Iyang si Krista Ranillo ay hindi nababagay sa ganyan.”

    Matatandaang may panahong nabalita rin na nagkaroon ng affair si Krista at si Michael de Mesa, asawa naman ni Gina noon.

    Masasabing may “ax to grind” si Gina Alajar kay Krista o maaaring sabihin na nagbibigay lang siya ng payo kay Jinkee bilang kapwa-babae.

    Masyadong matindi kasi ngayon ang tsismis tungkol kina Krista at Manny at nabalita ngang bago ang kanyang laban kay Miguel Cotto, nagkaroon pa sila ng isang matinding pag-aaway ni Jinkee dahil nalaman ng asawa na dinalaw pa ni Manny si Krista sa hotel room ng dalaga.
    Ano nga naman ang ibig sabihin nu’n, pampasu-werte?

    Talagang iritado raw si Jinkee at may balita pang nagkulong ito sa VIP room at ayaw makipag-usap sa reporters.

    Kaya pala marami ang nakahalata nu’ng papasok na sila ng venue, hinila pa ni Manny si Jinkee na sumusunod sa likod nila, para makita sa TV camera na kasama niya ang asawa.

    Iyon naman pala ay may hindi na sila pagkakaintindihan.

    Ewan kung saan nagsisimula ang ganitong tsismis at kung bakit hindi matapus-tapos kung hindi man totoo. Kasi nga, hindi maintindihan kung bakit napakaraming pagkakataon na kailangang makita si Krista at pamilya nito sa mga lugar na ang inaasahang makikita ng mga tao ay si Manny lang o ang kanyang pamilya.

    Samantala, binasag na ng young actress na si Krista Ranillo ang matagal na pananahimik tungkol sa isyu ng pagkaka-link sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

    Sa isang report, sinabi ni Krista na hindi pa niya nakikita o napapanood ang kontrobersyal na video umano nila ni Pacquiao na in-upload ng isang fan sa YouTube at kuha sa labas ng studio ng Jimmy Kimmel Live. Pero, itse-check daw niya ito.

    Itinanggi rin nito ang maingay na tsismis na buntis siya.

    “No, Dear, I’m not pregnant…and I’m still with Dom,” ang isinagot ni Krista sa tanong ng reporter na si Nelson Canlas nang makausap niya ito sa Facebook chat.

    Dagdag pa ng aktres, “Yeah, heard about it already…we’re still discussing when and how to speak.”

    Ayon naman sa director-BF ni Krista na si Dominic Zapata, “Suffice it to say that there are a lot of non-truths being said…I guess that’s all I’m going to say for now.”

    Ang manager ni Krista na si Arnold Vegafria ay kasalukuyang nasa Paris, pero nagkausap na raw sila ng kanyang alaga na nasa Amerika pa at pagbalik na pagbalik ng ’Pinas, magpapatawag sila ng presscon para linawin ang samu’t saring intriga.

    Si Pacquiao anman angsermonsa ress nasanarawang mga acjhievemnts at nagawa parasa bansdangapg-usapantungkol sakanya.

    “I hope they honor the achievements that I have won for my fellow Filipinos,” sabi niya.

    “Let us avoid what I call our crab mentality. I am appealing to all of you to avoid that. Let us unite so we will all be happy,” paliwanag pa ni Pacquaio sa isang TV interview.

    Pacquiao is no stranger to controversy surrounding his private life. He had earlier been forced to deny reports of a romantic involvement with another Philippine film star, Ara Mina, after the two were photographed dancing the night away at an upscale Manila nightclub.

    Matindi rin ‘yung tsismis na binigyan ni Pacquaio ng dalawang milyong dolyares ang mag-amang Krista at Mat Ranillo para sa pagtatayo ng isang resto business sa Las Vegas.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here