Home Opinion Pamatay sa ‘endo’ kasado na

Pamatay sa ‘endo’ kasado na

286
0
SHARE

NANGA-lahati na halos ang termino
ng ating kagalang-galang na Pangulo
pero ang ilan sa pinangako nito
na kagaya ng pag-’abolish’ sa ‘endo’

Na di umusad at nagawang tuparin
sa loob ng mahigit dalawang taon din,
ang ipinairal na ‘contractual’ sa ating
mga manggawang inaring alipin.

At anumang oras ay maari nilang
sipain basta at magawang palitan
ng bago, kapag ang batas na kailangan
para wakasan ang ‘endo’ na-’ratify’

Kasi tama’t si Digong nakapaglabas
ng kautusan o kaya ng ‘ordinance’
na nagbabawal sa ‘contractual,’ di sapat
ang ‘legal basis’ ng gustong ipatupad.

Dahilan na rin sa ang Kongreso lamang
ang may kapasidad para gumawa r’yan
nitong tamang hakbang na kinakailangan
upang maisagawa ang nasabing bagay.

Pero ngayong ang ‘Speaker’ sa Kongreso
ay kaalyado na ng ating Pangulo,
‘yan ay maisulong na niya siguro
pagkat ang mayoria nasa panig nito!

At baka sa lalong madaling panahon
ito’y sa Batasan na maisusulong
na riyan ng sinumang tumayong ‘sponsor’
nitong pamatay sa ‘contractualization’.

O ang ‘endo,’ na ‘shortcut’ ng ‘end of contract,’
na aywan kung sinong unang nagpatupad
nitong kalakarang di wasto at patas,
na ‘pro-employers’ ang pagkakabalangkas!

At kung saan itong mga manggagawa
ang palaging talo at kaawa-awa
habang itong ‘employers’ na masisiba
ang bundat sa pinag-pawisan ng dukha.

Ang pagiging ganid ng kapitalista,
‘yan ipinaglban at kinastigo na
kahit noon pa mang bago magkagyera,
ng mga kabalen nating sosyalista.

Partikular nina Pedro Abad Santos,
Casto Alejandrino, Supremo Luis Taruc
at iba pang sumapi sa Kilusang Huk
laban sa switik na mga Hacienderos.

Sana. ganyan din ang tularan ni Digong
upang ang sa atin pamimihasa nitong
mga dayuhan na ginaya na ngayon
ng ating kadugo ganap nang maputol.

Dangan nga lang sanhi ng grabeng lagayan
at patagong suhol na ibinibigay
ng mga dayuhan sa nanunungkulan,
ang huli’y nakuhang sa leeg hawakan.

At may mga kapwa Pilipino tayo
na halos lahat ng klase ng negosyo
ay hawak na nila pero lubhang tuso
at anhin na lang ang lahat ay masolo.

Gaya nitong halos kanya na ang lahat
na yata ng negosyo sa Pilipinas,
pero sa panahon ba ng kalamidad
namigay sa dukha kahit kaunting bigas?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here