Palparan itinuro ng testigo sa pagdukot, torture

    310
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS —-Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong kidnapping with serious illegaldetention laban kay AFP retired M/Gen. Jovito Palparan Jr. ay positibo itong kinilala ng isa sa mga pangunahing testigo ng prosekusyon nitong Lunes.

    Itinuro ni Raymond Manalo si Palparan na umano’y nasa likod ng pagdukot kina UP students Karen Empeño at Shierlyn Cadapan na nawala sa bahagi ng Hagonoy.

    Ayon kay Manalo, makatatlong beses niyang nakaharap si Palparan at nakatakas lamang sa kamay nito.

    Nakita umano niyang pinahihirapan ang dalawang estudyante habang nasa kamay nila Palparan.

    Galit daw ang naramdaman ni Manalo nang makaraharap uli si Palparan sa hukuman. Naalala daw kasi niya ang hirap nila na inabot nang sila ay nasa kamay nito.

    Samantala, ayon kay Atty. Julian Soliva, abugado ng prosekusyon, si Manalo din ang ginamit nilang testigo sa dalawa pang kapwa akusado ni Palparan sa kasong ito na sina Lt. Col. FelipeAnotado at M/Sgt. Edgardo Osorio.

    Idinating si Palparan, Anotado at Osorio kasama ang military convoy na pawang mga nakasuot ng bullet-proof vest at kevlar bilang bahagi ng seguridad.

    Bantay sarado ng PNP at military ang paligid ng Capitol compound.

    Samantalang ayon naman kina Atty. Narzal Mallares, defense lawyer, hindi kaduda-duda na makilala ni Manalo si Palparan dahil lahat naman aniya ay nakakakilala kay Palparan dahil popular ito.

    Gayunpaman, nakahanda naman sila sa mga cross examination para dito sa mga susunod na pagdinig. Ikinasa ang pagdinig sa susunod na Lunes.

    Samantala, kapansin pansin na walang nagsagawa ng kilos protesta laban kay Palparan mula sa militanteng grupo. Ngunit hindi pa rin napigilan ang ilan sa mga taga suporta nina Cadapan atEmpeño sa kanilang galit ng makita si Palparan at sumisigaw ng katarungan para sa dalawa.

    Sigaw nila na ilabas na nito kung saan man itinatago ang dalawang estudyante.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here