MALOLOS—Nagkakaisang tinutulan ng mga magsasakang Bulakenyo at kawani ng National Food Authority (NFA) ang panukalang pagsasapribado at pagbabawas sa pondo ng ahensiya na gagamitin sa pagbili ng aning palay ng mga magsasaka.
Ayon sa mga magsasakang Bulakenyo, isang malakas na dagok sa mga magsasaka at mga consumer o mamimili ng bigas ang mga nasabing panukala.
Katulad ng naunang pahayag ng NFA Employees Association na sinuportahan ng mga matataas na opisyal sa lalawigan ng Tarlac, nagbabala ang mga Bulakenyo na ang pagsasapribado ng NFA ay isang hakbang patungo sa panibagong krisis sa bigas.
Iginiit pa nila na ang pagsasapribado ng ahensiya ay magsisilang lamang ng panibagong kartel sa bigas na kokontrol sa presyo nito kaya’t pinayuhan nila si Pangulong Benigno Aquino na pag-aralang mabuti ang mga nasabing panukala.
Ayon kay Baby Tenorio, pangulo ng Provincial Farmers’ Action Council (PFAC) na binubuo ng mahigit 100 samahan at kooperatiba ng magsasaka sa Bulacan, na-alarma sila sa panukalang pagtatanggal sa P8-bilyong domestic procurement budget ng NFA dahil kapag hindi na namili ng palay ang ahensiya ay magsasaka ang apektado.
“Medyo naalarma dahil kapag dumating yung oras na hindi na mamili ang NFA, kaming magsasaka talaga ang apektado,’ ani Tenorio.
Ibinulgar din ni Tenorio na kung wala ang NFA, magiging sunod-sunuran na lamang ang mga magsasaka sa presyong ididikta ng mga negosyante.
“Tiyak na babaratin kami ng mga traders, katulad ngayon hindi namin alam kung may pondo para sa procurement dahil nag-aani na,” aniya.
Ayon pa kay Tenorio, binibili ng NFA ang aning palay ng mga magsasaka sa halagang P17 bawat kilo, samantalang ang mga negosyante ay bumababa pa sa P11 ang pamimili bawat kilo.
Para sa mga magsasakang Bulakenyo tulad ni Liza Sacdalan, ang pangulo ng Central Luzon Organic Rice Producers Association (CLORPA), malaking tulong sa magsasaka ang presyo ibinabayad ng NFA sa pamimili ng aning palay.
Ngunit hindi pa rin iyon sapat dahil sa malaki naman ang gastos ng magsasaka sa pagtatanim at pag-aalaga ng palay.
“Kung tutuusin nga ay kulang pa yon, pero kung ikukumpara sa presyo na pinamimili ng pribadong sektor, eh maganda na yung presyo na ipinamimili ng NFA sa palay,” ani Sacdalan.
Iginiit pa ni Sacdalan na sa halip alisan ng procurement budget ang NFA ay dapat dagdagan pa.
“Nakakalungkot na kung iyon ay aalisin, dahil kung tutuusin ay dapat nga yung budget na yon ay dagdagan pa. Bakit kamo, eh, dahil gustuhin man ng NFA na makatulong pa sa magsasaka na makabili sa halagang presyo na P17 isang kilo eh wala naman silang pondo pa para ma-acommodate yung palay ng mga magsasaka na gustong magbenta sa NFA,” paliwanag ni Sacdalan.
Inayunan din ito ni Melencio Domingo, ang tagapangulo ng Malolos City Agriculture and Fisheries Council na nagsabing hindi dapat bawasan ng pondo at isapribado ang NFA.
Ipinaliwanag niya na sa pagsasapribado sa NFA ay ang mga magsasaka ang malulugi kaya’t nagbabala siya na baka tuluyang mawalan ng gana sa pagsasaka ang mga magsasaka.
“Napakalaki ng epekto sa magsasaka, baka ang farmer ay lalong sumuko sa pagsasaka, hindi na magsaka at pabayaan na lang ang bukid. Dahil kung ganoon, palaging magiging lugi ang pagsasaka mo,” ani Domingo.
Ipinayo pa niya na sa halip isapribado o bawasan ng pondo ang NFA, dapat itong tulungan, at nakahanda rin umano silang magrally bilang suporta sa NFA.
“Tutulungan namin ang NFA, kung kailangan nila ng magsasaka, susuporta kami, kung kailangang magrally, magra-rallly kami sa head office ng NFA,” ani Domingo.
Nagpahayag din ng pagtutol sa pagsasapribado at pagbabawas ng pondo sa NFA ang asosasyon ng mga kawani sa lalawigan.
Ayon kay Ed Camua ng NFAEA-Bulacan, tutol sila sa pagsasapribado sa ahensiya dahil sa ang NFA ang nagiging panangga laban sa mga mapagsamantalang negosyante.
“Alam naman natin na ang NFA ang nag-i-stabilize ng presyo ng mga butil sa mga palengke,” sabi ni Camua.
Hinggil naman sa pagkalugi ng NFA na palagiang ginagamit na argumento ng mga grupong nagnanais buwagin itom, sinabi ni Camua na bahagi iyon ng kanilang mandato bilang ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng subsidiya sa mga bilihin.
“Ang NFA po ay may social function, social responsibility sa mga mamamayan. Ang NFA ay nagsisiguro lamang na may murang bigas na nabibili ang mga tao sa palengke, at ang budget po nito ay karaniwang para sa paglilingkod sa tao, sa masa sa mga magsasaka at hindi po kailangan pagtubuan ang mama-mayan,” paliwanag ni Camua.
Kaugnay nito, pinayuhan din ni Camua si Pangulong Benigno Aquino III na pag-aralang mabuti ang mga panukalang pagsasapribado at pagtatanggal ng pondo sa NFA.
“Sabi po niya (Pangulong Aquino) ay ang boss niya ay ang nakararaming mahihirap at ang mamamayan, eh dapat ay pakinggan po niya, limiin at pag-aralan itong tangkang pag-alis ng subsidy at pagbabawas ng budget sa NFA sapagkat alam naman natin na pangunahin ang kahandaan sa pagkain, food security, buffer stocking, anumang oras, tuwing may kalamidad, nandiyan ang NFA. Kung ito po ay babawasan natin ng pondo o subsidy ay magiging inutil po ang NFA sa kanyang social functions, ani Camua.