At di tulad nitong sa pag-aakalang
Matinong tao ang lalaking naturan,
Kaya lubos niyang pinagtiwalaan
At ibinuhos ang kanyang pagmamahal!
Gaya ni Katrina, na napaniwala
Ni Hayden sa bola’t tamis ng salita;
Di ba’t tunay naman pong kaawa-awa
Ang pagkatao niya na napariwara?
Nandun na tayo gusto ng babae
O di pinilit ng maniac na lalaki,
Pero sa puntong yan na niloko bale
Ni Kho ay direkta ng pananalbahe!
At maituturing na nating talamak
Na krimen sa uri ng pagkakayurak
Sa dangal at puri ng nag-uumiyak
Na biktima ng kanyang imoralidad.
At kaya lamang n’yan posibleng nagawa
Sa mga biktima o kay Katrina nga,
Ang sila’y kunan ng tagpong malalaswa
Ay dahil lango lang sa droga po kaya?
Kasi sa bibig yata ng Ina mismo
Galing ang salitang gumagamit si Kho;
Kaya’t walang dudang sugapa nga ito,
Kaya’t ‘nasira’ ang katinuhan nito?
Pagkat sa tulad niyang isang doktor mandin
At tinitingalang animo’y bituin
Sa lipunan na kung saan siya galing,
Ang ganyan ay lubhang malayo niyang gawin.
Kaya lang gaya n’yang tila kusintidor
Ang magulang nitong maniakis na doktor,
Eh saan pa ba nga posibleng humantong
Ang bukas ng anak kundi sa kumunoy?
Ng kawalang dangal ngayo’t siya mismo
Ang sumisira sa kanyang pagkatao?
(Na mas marangal pa marahil ang aso
Kaysa taong ito sa naturang punto!)
Kaya lang, gaya n’yan na wala pa yatang
Batas na posibleng kumastigo po n’yan,
Ano ang posibleng ikaso natin d’yan
Kundi ng ika nga’y ‘KAWALANG-HIYAAN?
Na wala pa rin po yatang naka-isip
Na ya’y isa-batas nitong matitinik
Nating mga Solons (na puro politics)
Ang ina-atupag sa lahat ng saglit.
Kung saan ang daming dapat isa-batas
Ay kung bakit hindi maisip at sukat
Nitong magagaling nating Mambabatas
Ang kinakailangang maisulong dapat?
Kasi hangga’t walang batas na posibleng
Kumastigo upang tuluyang masupil
Ang ganitong napakalaswang gawain,
Yan ay di kailanman natin mapatigil;
At kung ngayon pa lang magigising itong
Ubod ng gagaling nating mga Solon
Upang isa-batas ang kung anong aksyon
Na kinakailangan sa ganyang situasyon;
Ay kailan pa natin maipabilanggo
Ang katulad ni Kho, na ginawang laro
Ang maselang bagay na di biru-biro,
Na gawa lamang ng taong di matino?
Matinong tao ang lalaking naturan,
Kaya lubos niyang pinagtiwalaan
At ibinuhos ang kanyang pagmamahal!
Gaya ni Katrina, na napaniwala
Ni Hayden sa bola’t tamis ng salita;
Di ba’t tunay naman pong kaawa-awa
Ang pagkatao niya na napariwara?
Nandun na tayo gusto ng babae
O di pinilit ng maniac na lalaki,
Pero sa puntong yan na niloko bale
Ni Kho ay direkta ng pananalbahe!
At maituturing na nating talamak
Na krimen sa uri ng pagkakayurak
Sa dangal at puri ng nag-uumiyak
Na biktima ng kanyang imoralidad.
At kaya lamang n’yan posibleng nagawa
Sa mga biktima o kay Katrina nga,
Ang sila’y kunan ng tagpong malalaswa
Ay dahil lango lang sa droga po kaya?
Kasi sa bibig yata ng Ina mismo
Galing ang salitang gumagamit si Kho;
Kaya’t walang dudang sugapa nga ito,
Kaya’t ‘nasira’ ang katinuhan nito?
Pagkat sa tulad niyang isang doktor mandin
At tinitingalang animo’y bituin
Sa lipunan na kung saan siya galing,
Ang ganyan ay lubhang malayo niyang gawin.
Kaya lang gaya n’yang tila kusintidor
Ang magulang nitong maniakis na doktor,
Eh saan pa ba nga posibleng humantong
Ang bukas ng anak kundi sa kumunoy?
Ng kawalang dangal ngayo’t siya mismo
Ang sumisira sa kanyang pagkatao?
(Na mas marangal pa marahil ang aso
Kaysa taong ito sa naturang punto!)
Kaya lang, gaya n’yan na wala pa yatang
Batas na posibleng kumastigo po n’yan,
Ano ang posibleng ikaso natin d’yan
Kundi ng ika nga’y ‘KAWALANG-HIYAAN?
Na wala pa rin po yatang naka-isip
Na ya’y isa-batas nitong matitinik
Nating mga Solons (na puro politics)
Ang ina-atupag sa lahat ng saglit.
Kung saan ang daming dapat isa-batas
Ay kung bakit hindi maisip at sukat
Nitong magagaling nating Mambabatas
Ang kinakailangang maisulong dapat?
Kasi hangga’t walang batas na posibleng
Kumastigo upang tuluyang masupil
Ang ganitong napakalaswang gawain,
Yan ay di kailanman natin mapatigil;
At kung ngayon pa lang magigising itong
Ubod ng gagaling nating mga Solon
Upang isa-batas ang kung anong aksyon
Na kinakailangan sa ganyang situasyon;
Ay kailan pa natin maipabilanggo
Ang katulad ni Kho, na ginawang laro
Ang maselang bagay na di biru-biro,
Na gawa lamang ng taong di matino?