Paghahanda sa kalamidad pinag-ibayo sa Zambales

    53
    0
    SHARE
    IBA, Zambales – Bilang paghahanda sa darating na anumang kalamidad dito, lalo pang pinag-ibayo ng Zambales Police Provincial Office (ZPPO) at Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) ang kanilang paghahanda.

    Ipinakita ng ZPPO ang ibat-ibang kagamitan sa rescue operation sa kanilang isinagawang showdown inspection on rescue and disaster equipment kamakailan sa Camp Coradro Yap, sa lalawigang ito.

    Apat na inflatable boat mula sa Police Regional Office lll ang ibinigay sa Zambales PNP [Philippine National Police] upang magamit sa mga bayan na flood prone area.

    Ang mga nasabing inflatable boat ay dinala sa bayan ng San Felipe, San Narciso, Botolan at Masinloc na pawang sa lalawigan ng Zambales.

    Ayon kay Supt. Rolando Portera, deputy director for operation ng ZPPO, gagamitin ito bilang paghahada sa mga posibleng dumating na kalamidad kagaya ng manalasa ang bagyong “Ondoy” at “Pepeng” na nagdulot ng malaking pinsala sa Botolan, Zambales at kalapit na bayan nito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here