Home Headlines Pag-export ng itlog, manok sa Singapore sa 2019 pinaboran

Pag-export ng itlog, manok sa Singapore sa 2019 pinaboran

690
0
SHARE

MINALIN, Pampanga – Pabor ang mga poultry operators dito sa plano ng pamahalaan na mag-export ng mga produktong manok at itlog sa bansang Singapore sa susunod na taon.

Ito ay kasunod ng inihayag ng Department of Agriculture ang posibilidad na umangkat ng mga poultry products ang Singapore mula sa Pilipinas.

Ayon kay Judy Quenco, manager ng isa sa malaking poultry farm sa Minalin, maganda ang magiging epekto sa kanilang industriya kapag ito ay natuloy.

Sa tingin niya ay sasapat naman ang supply sa local market kahit mag-export pa ng poultry products ang Pilipinas dahil karaniwan pa nga silang natatambakan ng mga itlog lalo na kung panahon ng summer.

Panigurado din aniyang mas dadami pa ang mga negosyante na papasok gaya ng sa kanilang hanay ng dahil dito.

Sa tingin niya maaari pa ngang tumaas ang presyo ng mga feeds dahil dadami ang demand ng itlog, manok at baboy.

Sa pananaw niya ito ang isa sa malaking ambag na administrasyon Duterte sa kanilang hanay na maiaangat ang antas ng mga farm operator at hog growers kung sakaling matutuloy ang pag-angkat ng Singapore sa ating bansa.

Ayon sa DA, ang Agri-Food and Veterinary Authority of Singapore ay bibisita sa bansa sa Marso ng 2019 para inspeksyunin ang mga poultry facilities dito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here