Ang konstitusyon ba’y dapat amyendahan?
O rebisahin ang kanyang nilalaman?
Lalo sa aspeto ng pangkabuhayan
Upang umunlad daw itong sambayanan
1987, nang ito’y mabago
Nang ang presidente’y si Cory Aquino
At ang naging anyo noon ng gobyerno
Ay ang tinawag na REVOLUSYUNARYO
Ito ay ninais din namang baguhin
Nang si Fidel Ramos ang pangulo natin
SENATORIAL SYSTEM nais pairalin
Ngunit naunsiyami, plano niyang gawin
Dahil sa ilalim ng saligang batas
1987 di pwedeng i revise
People’s Initiative ay hindi raw sapat
Dahil sa Republic Act 6735
Isang dahilan sa di pagtatagumpay
Ni Ramos noon na ito’ amyendahan
Layunin daw nito’y palawigin lamang
Termino ng halal na public official (s)
Maging sa panahon ni Erap Estrada
At dating pangulo na si madam Gloria
Binalak ding nila ang pag-aamyenda
Na binasura rin ng KORTE SUPREMA
Sa panahon naman ni pangulong Digong
FEDERALISMO ang nais na isulong
Subalit ito ay hindi rin natuloy
Hanggang sa mabago ang administrasyon
Ngayon naman itong sa lower house mismo
Ang may pagtatangka na ito’y mabago
Nasimulan na rin ang pagpoproseso
Sa RESOLUTION na nakahain dito
Under sa REVISION ang saligang batas
Ang kabuuan ay babaguhin lahat
Sa amendments naman pwedeng may mabawas
sa nilalaman o mayrong madadagdag
Ngunit ang tanong ay dapat bang baguhin?
O amyendahan ang kontstitusyon natin
At ang plano’y PEOPLE’S INITIATIVE pa rin
Na sandata nilang dito’y gagamitin
Pinangaladakan pa na ang agenda
Hinggil sa probisyong pang ekonomiya
Subalit dito ay mayro’ng pagdududa
Na masisingitan ng pampulitika
Konstitusyon natin ay maayos naman
Bakit atat silang ito’y pakialaman?
Anong misteryo ang nasa likod niyan?
Upang baguhin ang mga nilalaman
Dahil ba sa mga pulitikong sakim?
Na sa pwesto nila’y ayaw ng bumitiw
Bakit hindi na lang pagtuunang pansin
Maglingkod ayon sa kanilang tungkulin
May ibang bagay na lubhang mahalaga
Tulad sa gawain nitong bansang Tsina
Kapag sila’y hindi natin sinansala
Manganganib itong ating soberanya