Paaralan at simbahan nananatiling target ng CPP-NPA recruitment

    231
    0
    SHARE

    TALAMAK TALAGA ang pagrerecruit ng grupo ng New People’s Army o NPA sa sektor ng kabataan at mga bahagi ng simbahan.

    Kung babalikan natin, ang infiltration works ng mga NPA sa simbahang katolika at protestante ay aktibo na noong 1970s.

    Talaga nga naman na methodical at sistematiko ang pagpasok at panloloko ng mga makakaliwang grupo sa simbahan at maging sa paaralan kung saan dito nahuhubog ang kaisipan at spiritwal na aspeto ng bawat tao na maaari nilang magamit sa pagsusulong ng communist insurgency.

    Ito rin ang pinatunayan ng mga dating miyembro ng NPA tulad ni Agnes Lopez Reano na tumutulong ngayon sa pamahalaan na maipaunawa sa mga mamamayan ang totoong pagkilos ng mga makakaliwang grupo.

    Base sa kanyang mga pahayag, isyu na noon ang recruitment sa mga estudyante kung saan sumuko siya noong 1993 at simulan na ipahagi ang katotohanan na ang mga paaralan ang nagsisilbing balon ng kadre lalo na ng mga pampulitikang kadre.

    Dagdag pa niya, nakita niya sa loob ng samahan na ang mga batang nasa Grade 4 palang ay narerecruit na ng mga NPA at kapag tinanong mo ang mga batang ito kung ano ang pananaw nila sa NPA, bayani at tagapagligtas ang nabuong persepsyon sa kanilang mga isip.

    Ito ba yung pananaw na nais natin maitanim sa kaisipan ng mga batang ito na dapat sana ay nag-aaral at nangangarap na magkaroon ng magandang buhay?

    Kaya ganun nalang ang pagnanais natin na maipaunawa sa bawat mamamayan ang katotohanan upang sa gayon ay hindi na maulit ang pagkakamali na nagdudulot lang ng pagkaantala ng kapayapaan at kaunlaran sa ating bayan.

    Ayaw naman natin na ang mga susunod na henerasyon ay malulunod ng paulit-ulit sa problema ng insurhensya at terorismo sa bansa.

    Kaya kinakailangan na ang mga kabataan ay magkaisa na maging mulat sa mga maling Gawain ng mga front organizations ng CPP-NPA. Hindi dapat maging bulag sa totoong depinisyon ng pagmamahal sa bayan.

    Naniniwala rin ako na marami sa sektor ng simbahan ang nagnanais ng sinserong pagbabago sa ating bansa.

    Sa loob ng ilang dekada, masyado ng maraming mga kabataan at mga kasapi ng simbahan ang nabiktima ng panlilinlang ng NPA at mga front organizations nito.

    Panahon na para putulin natin ang pisi ng kanilang pananamantala at pagpapasabog ng kasinungalingan sa ating mga kababayan.

    Panahon na para doble-kayod natin pagtrabahuhan na magkaroon ng kinabukasan na malaya sa kasinungalingan at kaguluhan na dala ng mga communist terrorist groups.

    (Unsolicited contributions here are unedited, unabridged, as is. Errors in grammar, syntax, etc, solely the writer’s. — Editor)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here