Home Headlines P9.7-M marijuana nakumpiska, 2 timbog

P9.7-M marijuana nakumpiska, 2 timbog

228
0
SHARE

BALAGTAS, Bulacan — Nakumpiska ng kapulisan ang P9.7-million halaga ng marijuana mula sa dalawang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Santol nitong Linggo.

Ang mga dried marijuana bricks ay nasamsam mula sa mga naarestong suspek na sina Mark Lambert Bhobe ng Meycauyan City, at Angelo Llagas ng Barangay Gaya- Gaya, Lungsod ng San Jose Del Monte.

Ayon kay Maj. Michael Udal, hepe ng Balagtas police, nakuha mula sa mga naaresto ang 81 bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 81,000 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P9,720,000.

Ani Udal, sa nakakasang operasyon ay hindi nila inaasahan na bubulaga sa kanila ang tatlong sako ng dried marijuana bricks na nakatago sa isang bakanteng bahay sa Northville Village.

Ang dalawang suspek ay kasalukuyang nakapiit sa Balagtas police at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act habang ang mga nakumpiskang marijuana naman ay nasa kustodiya ng provincial police forensic unit.

Tumanggi ang dalawang suspek na magbigay ng pahayag hinggil sa nasabing kaso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here