Home Headlines P500K alok para sa ikalulutas sa pamamaslang sa kapitan

P500K alok para sa ikalulutas sa pamamaslang sa kapitan

611
0
SHARE
Mayor JR Santos. Kuha ni Armand Galang

TALAVERA, Nueva Ecija – Naglaan ng P500,000 ang pamahalaang bayan dito para sa anumang impormasyon na ikadarakip sa salarin na pumaslang kay Barangay Calipahan chairman Joel Damacio. 

Kasabay nito ay mariing kinundena ni Mayor JR Santos ang nasabing pamamaslang. “Ang pagpaslang kay kapitan ay talagang hindi katanggap-tanggap kaya umisip tayo ng paraan na mapabilis ang pag-aresto sa gumawa ng karumal-dumal na krimen.”

Ang pagkamatay ni Damacio ay hindi lamang isang malalim na pagkawala para sa pamilya at mga mahal sa buhay ng opisyal kundi isang masakit na dagok  sa kapayapaan at espiritu ng pagkakaisa sa buong bayan ng talavera, sabi ni Santos.

Nagpapasalamat ang alkalde sa tuloy-tuloy na pagsisikap ng Nueva Ecija PNP sa pangunguna ni director Col. Ferdinand Germino na maresolba ang kaso.

Gayunman ay nananawagan siya sa publiko na ibigay sa otoridad ang anumang impormasyon na makatutulong sa mabilis na paglutas ng krimen.

Si Damacio ay binaril at napatay ng isang naka-motorsiklong lalaki bandang alas-8:40 ng umaga. Kagagaling niya noon sa Brigada Eskwela at pauwi ng bahay nang may kausapin na isang miyembro ng bantay bayan sa gilid ng highway. 

Samantala, narekober na ng pulisya amg motorsiklo na ginamit umano ng suspek. 

Natagpuan itong abandonado sa Barangay Homestead ng bayang ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here