Ang pera na napulot ay pag-aari ng isang nagngangalang Dra. Consuelo De Guzman habang ang nakapulot naman ay si Emmanuel Romano na basurero ng pamahalaang bayan ng Baliuag.
Ayon kay Romano, nangulekta sila ng mga basura sa subdivision na tinutuluyan ng duktora at habang sinesegrate niya ang mga basura ay doon niya natuklasan ang plastic bag na naglalaman ng P427,798 na cash.
Agad niya itong pinagbigay alam sa pamahalaang barangay ng Poblacion at natukoy ang nagmamay-ari na si De Guzman.
Ayon kay Romano, hindi niya initeres ang pera dahil alam niyang mahalaga iyon sa tunay na may-ari.
Agad na naibalik na kay De Guzman ang kanyang salapi at sa sobrang tuwa nito ay ginantimpalaan nito si Romano ng P20,000 at libreng pagpapagamot sa klinika ng duktor kapag kakailanganin ng pamilya.
Hindi daw sadya ng pamilya De Guzman na naisamang maitapon sa basurahan ang plastic bag na naglalaman ng cash.
Bukod kay De Guzman ay nakahanda ding magbigay ng gantimpala ang pamahalaang barangay ng Poblacion kay Romano at nakatakda din itong bigyan ng pagkilala ng munisipyo ng Baliuag.