Home Headlines P300-K sa ulo ng killer

P300-K sa ulo ng killer

666
0
SHARE

TALAVERA, Nueva Ecija – Nag-alok ng P300,000 reward money si Mayor Nerivi Santos-Martinez para sa anumang impormasyon na makalulutas sa kaso ng pamamaslang sa isang punong barangay at bantay bayan member.

Kasabay nito ang mariing pagkundena ni Martinez sa insidente kung saan napatay si Barangay Dimasalang Sur captain Christopher Antonio at bantay bayan member Ominador dela Cruz.

Nakasakay sa isang improvised tricycle o kolong-kolong sina Antonio at DelaCruz nang pagbabarilin mula sa likuran ng mga hindi pa nakilalang salarin bandang alas-6 ng gabi nitong Linggo.

Inatasan ni Martinez ang pulisya na lutasin ang kaso upang maputol na ang serye ng karahasan sa Dimasalang Sur.

Kamakailan lamang ay magkasunod na napatay ang dalawang konsehal ng barangay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here