P25 milyon pekeng makina winasak ng BOC, Honda

    538
    0
    SHARE
    SAN RAFAEL, Bulacan—Sabay-sabay na winasak ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at Honda Motor Co. Ltd., ang 716 kumpiskadong pekeng Honda general purpose engines na nagkakahalaga ng P24,920,000 sa bayang ito kamakalawa.

    Ang pagwasak sa mga pekeng general purpose engines na ginagamit sa mga generators, water pumps, brush cutters, at lawn mowers ay isinagawa sa Barangay San Roque ng bayang ito noong Martes ng hapon.

    Ayon kay Atty. Brigido E. Valmadrid, ang assistant vice president for legal affairs ng Honda Philippines, Inc., ang kanilang kampanya laban sa mga pekeng makina ay isang paraan ng pagbibigay proteksyon sa kanilang mga kostumer.

    “We have to protect our customers from the serious dangers of using inferior products, and to protect and utilize fully our research and development endeavors,” aniya.

    Ang mga pekeng makinang Honda na nakumpiska ng BOC at Honda ay karaniwang nagmula sa China.

    Iginiit ni Valmadrid na ang kanilang agresibong kampanya ay nangangahulugan na nakakatitiyak ang kanilang mga kostumer na ang mabibili ay de-kalidad na produkto.

    Ang Honda Motor Co., Ltd., ay isa sa sa pangunahing manggagawa ng power products sa mundo

    Kabilang sa mga power products na ginagawa ng Honda Motor Co., Ltd. at ibinibenta ng Honda Philippines, Inc., ay ang mga  makinang gamit sa general purpose engines, generators, water pumps, brush cutters, at lawn mowers.  

    Ayon kay Valmadrid, nasisira ang imahen ng Honda dahil sa mga pekeng makina sa pamilihan.
    “Because of the striking  similarity between the appearance of Honda’s general purpose engines and the counterfeits, consumers are deceived into thinking that these look-alikes are also manufactured by Honda, thus, damaging its reputation,” aniya.
    Sinabi pa ni Valmadrid na sa kabila ng pagkakaroon ng mga pekeng makinang Honda, magpapatuloy pa rin sa pamumuhunan ang kanilang kumpanya sa bansa at isa sa ebidensya nito at ang pagtatayo nila ng support facilities sa Batangas na nagkakahalaga ng P3 billion.
    Sa kasalukuyan, ang Honda ay namumuhunan sa Pilipinas sa loob ng nakaraang 30 taon at may manggagawang umaabot sa 2,153.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here